Sa mga oras na ito dapat nagsisimula na akong magaral para sa pagsusulit namin bukas... pero hindi ako makapagsimula.. wala akong inspirasyon, walang bagay na nakapagbibigay sakin sa ngayon ng magandang dahilan para sipagin akong magaral...
mabigat loob ko..
may problema kasi ako..
pakiramdam ko, nang nagbuhos ang taas ng kamalasan ako lang ata ang walang dalang payong.. at ako ang nakasalo ng lahat.. wala naman akong balat sa pwet.. at hindi ako nagkulang na gumawa ng mabuti sa iba para bigyan ako ng ganitong pagsubok ng tadhana.. tao lang naman ako.. nagkakamali, aminado naman ako sa kasalanan ko, pero hindi ba pwedeng mapagbigyan ako ng pagkakataong magbago?
Gusto ko nang matapos ang araw na ito..ngunit sa tuwing sisilip ako sa orasan, tila lalong bumabagal ang pagpalo ng kamay nito, pangasar na sinasabing mas babagal pa ang oras at lalo pang tatagal ang paghihirap ko.. pinigilan ko ang aking paghinga sa pagaakalang baka mapabilis ko ang oras.. gusto ko nang matapos ang parusa na aking dinadanas.. kinakalaban ang tiktak ng orasan...hinahanap ang maaaring maging lunas..
Ang pagbagal ng oras ang nagiging sanhi ng pagkainip ko.. kelan ba matatapos ito?.. hindi ko na alam ang gagawin ko.. hirap na ako..