About
31.10.08


Halloween halloween halloweeeeen!!!!

Guys! We are making a headcount of those who wud lyk 2 atend d h0l0wn party at my plce.ϋ 3o pesos entrans inclsive of eatallucn foods and drinks,ϋ wear any cos2me, no cs2me no entry, games, awards, blow pool and an open dance floor wil surely shake ur nyt.ϋ this is a batch 20o7 party!ϋ every0nes invited! U cud bring a frend wit u.ϋpls send ur c0nftmati0ns b4 twelvnun of wed!ϋ thanks guys! Txt this numbr 4 any questions.ϋspread d word guys!ϋ -- @eroll's house (Oct. 26, 2008)

Kausap ko sa telepono ang isang tao nung nabasa ko ang forwarded text na to na galing sa dati kong kaklase noong highschool... so dahil nga sa hindi sinabi kung anong date and time ang halloween party.. kelangan ko pang itext yung ex-classmate ko, na naging dahilan ng tampowempots epektus nung kausap ko sa telepono.. tahimik akong nagtetext habang nagsasalita siya.. napansin niya yung pananahimik ko kaya nagtampo... di ko kasi kayang magtext habang may kausap.. ewan ko ba.. normal lang ba yun? hinde? ok.. so im abnormal.. pansin ko kasi yung mga kasama ko dito sa bahay.. ang galing magmultitask.. nakaharap sa computer, tapos hawak ang cellphone nagtetext then nakaipit sa balikat at tenga nila ang telepono.. at sabay sabay nilang ginagamit yun.. galing no? wala lang.. nakwento ko lang..

October 30 daw ang date... so may apat na araw ako para umakting na mabait para mapayagang pumunta sa party.. at dahil magaling akong artista.. napapayag ko sila mama at papa.. pero syempre as usual... may curfew.. hanggang 11 lang ako.. kinapos pa ng isang oras para mahalintulad na ako kay cinderella... pero pwede na din yun, kesa naman hindi ako pinayagan.. diba? diba?..

Problema ko lang naman e costume... gusto ko ng bonggacious costume na parang kay anne curtis sa dyosa.. yung kay dyosa cielo.. na may pagka-laki laking pakpak tapos gusto ko yung may grand entrance pako na lumilipad lipad.. pero hanggang idea lang to.. ano ako sira? mahumaling pa sakin si Zanjoe.. ayoko nga.. so bumili na lang ako ng simpleng headband.. at nagmistulang fairy sa party...

Noong party ko na lang ulit nakita yung iba kong mga kaklase date.. inuman, kainan, kwentuhan, sayaw, at laro... masaya at nakakaaliw.. iba parin talalga ang halkhak na naidudulot sayo ng kasiyahan kasama ang mga dati mong kasabayan sa hirap at ginahawa noon.. sayang lang kasi di kumpleto..ang dami kasing wala.. ganun pa man... masaya padin.. at maraming salamat sa mga kaibigan kong si mayeng at pat para sa mga pictures.. kawawa naman ako.. wala pading cam.. huhuhuhu!! sana narinig na ni santa hiling ko... Happy Halloween sa lahat!!..


--------------------

26.10.08


Dilemma

Bawat araw dumadaan tayo sa proseso ng pagdedesisyon.. mga simpleng bagay tulad ng pagpili ng suot mo sa araw na 'to, kung paano mo gagastusin baon mong pera ngayon, kung maliligo ka ba o hindi, gawin ang trabaho o haharap sa computer buong araw, sasama ba sa mga gora o mananatili lang sa bahay.. at kung ano ano pang mga bagay na pinagdedesisyunan natin araw araw.. maliit na proseso na lagi nating pinagdadaanan na may maidudulot na malaking pagbabago sa hinaharap...

Maraming beses nang nangyari na may gusto akong gawin kaso alam kong mali, at may mga bagay na labag sa kalooban kung gagawin ko pero yun ang nararapat.. mga bagay na nagpapagulo sa isip ko, hindi ko alam kung paanong pagdedesisyon ang gagawin.. gulong gulo.. nakaka-bobo..

Alam mong mali.. bat mo nga naman gagawin?.. mga bagay na alam mong ikakasiya mo kung gagawin mo nga pero batid mong maaring may masamang maidudulot sayo sa hinaharap... bumabagabag sayo ang pagiisip na baka manghinayang ka sa huli kasi di mo nagawa, pero natatakot ka na baka tama ang hinala mong magkamali ka... ano? gagawin mo padin ba?..

Naalala ko lang sabi sakin ng tatay ko dati.. kung magdedesisyon man daw ako sa kahit anong bagay.. dapat daw "tamang gawain" at hindi basta bastang "magandang gawain" ang piliin...di ko alam kung anong espirito sumanib sa kanya noong panahong yon at bigla niyang nabanggit yon.. pero napaisip ako sa sinabi ng butihin kong ama.. hindi lahat ng gusto dapat sinusunod.. hindi lahat sinusubukan kaagad.. dahil may mga bagay na sa oras na gawin mo, hindi na maibabalik pa sa dati ang lahat, at may iba naman na may nilalaanang tamang panahon.. pumasok sa utak ko.. pilit kong iniintindi, naguguluhan padin ako..

Kahit ano pang piliin.. sa gustong gawin o tamang gawin.. kelangang pagisipan itong mabuti.. ika nga ng isang kasabihan.. nasa huli ang pagsisisi...


--------------------

24.10.08


Katamaran

Sakit ba to?.. pansin ko kasi ang daming nagkakaganito.. nahawa ata ako e..

Sa katotohanan pinagbabawal ko siya.. pero eto ang dumadaloy sa buong sistema ng katawan ko sa ngayon.. nakabakasyon pa ang utak ko.. pero dahil nga sa walang magawa pinilit ko siyang gumana..

Wala naman kasing kapana-panabik na pangyayare sakin nung nagbakasyon ako.. tumaba lang naman ako sa dami ng pagkain dun.. araw araw fiesta, kaya naman ngayon i suffer.. kelangan kong pumayat.. men pumuputok na mga damit ko! pey! maawa ka naman sa sarili mo!!!

Maliban sa pagtaba.. isa ko pang pinoproblema ngayong bakasyon e walang pera.. kaya naman kahit na anong aya ng gora di ako makasama.. poor me! huhu! ngayon pa naman nagdagsaan ang mga events.. reunions, debut party, halloween party.. so kawawa naman ako kasi bilang lang ang mapupuntahan ko..

Noong kasadsaran ng exams di ako mapakali kasi gustong gusto ko nang magsembreak at nang makapagbakasyon ako..pero ngayon insinusumpa ko na siya.. ayoko na.. gusto ko na ulit nang may ginagawa.. ang hirap talagang maging tambay.. buti na lang hindi ito forever.. ayoko nang tamarin, ayoko ng tumataba, ayoko nang walang pera.. gusto ko nang magpasukan..

Ngayong nagta-type ako, may nararamdaman akong kakaiba.. ayan nanaman.. tinatamad nanaman ako, kaya tatapusin ko na lang ang entry ko ng ganito.. minsan lang to, tae may ma-ipost lang! err.. la kwenta..


--------------------

13.10.08


Sembreak!

Natapos nadin sa wakas ang finals... resulta na lang ang kulang..para buong laya na akong makakahinga ng maluwag.. pasa ba o bagsak?..pwede na ba?.. pasang awa?.. di ko alam.. basta dapat wag masayang yung naubos kong tinta nung leone stylus ballpen ko.. kakashade ng bilog, square, rectangle, triangle, pentagon, star, oblong.. at kung ano ano pang hugis.. dahil halos lahat ng exam may multiple choice... eeny meeny miny moe!

Sa lahat ng subjects.. yung Statistics exam namen ang di ko makakalimutan.. maliban sa dahilang ito lang ang exam namin na walang multiple choice.. e lab ko talaga ang mga subjects na may kinalaman sa math.. walang minememorize masyado.. kaso minsan hindi niya ako gusto.. minsan di ko alam kung ano ba ang gusto niyang sagot ko..

***

Ramdam ko ang tuwa nung nakita kong iisang papel lang yung binigay samin.. tapos iisang page lang, nilaan yung likod ng papel for computations.. nasa isip ko na madali lang ito.. at mas lalo pa akong napangiti nang makita ko ang mga tanong.. dadalawa lang naman pala.. sus! no problemow!!!

Tatlong oras ang ibinigay samin para tapusin ang exam..sobra sobra para sagutan ang dadalawang tanong.. ayos to..nasa isip ko na makakauwi ako ng maaga.. makakapagpahinga, at makakabawi ng tulog dahil sa pagpupuyat ko kagabi kakarereview.. binasa ko ang unang tanong.. mejo mahaba kasi kaya mga limang minuto kong binasa ng paulit ulit.. hanggang sa maintindihan ko kung ano ang hinihingi niyang sagot.. napangiti ako.. ngumit at ngumiti.. ngumiti sapagkat yun lang ang kaya kong gawin.. tae..nakalimutan ko kung pano sagutin...
Pass.. mamaya na to..

Sa pangalawang tanong muna ako..

Mahaba pa ang oras.. babalikan ko ito mamaya.. baka may bumulong sakin ng paraan ng pagsagot

Sa ikalawang tanong ako nakakita ng liwanag.. liwanag ng pagasa na makakasagot ako at nagbigay sakin ng ideyang hindi ako makakakuha ng singko.. kumuha ako ng scratch paper at nagsimulang magsulat ng mga numero.. at nakuha ko naman ang sagot.. sigurado akong tama yun...mahaba ang proseso pero hindi ako nahirapan ng masyado.. kering keri..nagaral ata ako..

Ok.. now wats neks?.. ampness! babalikan ko na yung unang tanong na hindi ko alam kung paano sagutin.. at oo.. walang bumulong ng paraan ng pagsagot.. hindi ko alam kung paano ko mairaraos ang aking sarili sa kahirapang nararansan ko.. dadalawa ang tanong.. yung isa nasagot ko na.. kung magkakamali man ako sa gagawin kong pagsagot sa unang tanong... kalahati lang ang tama ko.. bagsak paden.. bagsak.. bagsaaaaaak!!!.. boom! nakaisip ako ng ideya.. ayokong mangopya.. hindi ko kasi talent yon.. at kabado akong gumawa ng ganong kasalanan.. pero sinubukan kong sumilip sa katabi ko.. nakita ko ang kanyang papel na wala pang kasulat sulat.. hindi niya din alam kung paano saguten.. hehehehehe!!! yesss!!! may kadamay ako! wahahaha!! hindi na ako nangahas na silipin pa yung isa kong katabi.. ayoko na.. ok? di ko gawain yun!! pramis.. maniwala ka.. kung ayaw mo.. pipilitin padin kitang maniwala (guilty?! hehe) maniwala ka na please?

May ideya naman talga ako kung paano ko sasagutin ang unang tanong..hindi lang ako sigurado.. di tulad sa ikalawang tanong na kompident ako sa pagsagot..

Sariling sikap na lang... sinagutan ko na lang ang mahiwagang tanong sa paraan na alam ko.. kahit hindi sigurado..

Pinasa ang papel.. huminga nang malalim.. at umuwi..

Ayun.. yun lang..

Dadalawang tanong.. pero nagtagal ako ng sobra sa isang oras.. di tulad ng iba kong mga pagsusulit na 30 min. tapos na.. (haha! mayabang!) ayoko kasi ng nagtatagal sa pagsagot ng mga exam.. hindi naman sa minamadali ko pero habang tumatagal ako sa pagiisip ng sagot lalo kong nararamdaman na bobo ako.. at oo naging bobo ako nang dahil sa katanungang yon.. pft!! i heyt it!! naiiyak ako kasi hanggang ngayon hindi ko alam kung ano ang sagot dun.. iniisp ko kung paano siya sasagutin.. na parang isang manliligaw na crush ko din naman pero nagpapakipot pa ako.. at pinepressure ako.. haha! ano ba yan! nabaliw na ako nang dahil sa katanungang yan!!!

Di ko alam kung bakit ko pa iniisip ang sagot.. naiwan ko ata yung kapiranggot kong utak dun sa papel ko.. di ko kasi malimot limot at kahit ano pang pilit kong wag nang isipin pa ang pangyayaring yon.. e hindi ko talaga mapigilan..

Pft! Ok.. I'll move on!! Ayoko nang isipin pa ito...

Sembreak na at dahil don ipapahinga ko muna ng bonggang bongga ang sarili ko.. bakasyon sa La Union.. sa wakas makakauwi na ulit ako sa probinsya namen.. mga one week din ako dun.. isang regalo para sa sarili ko na halos dalawang linggong nagpuyat kakareview!


--------------------

8.10.08


Mental Break

Sobrang abala ko this past few days... lintek na finals.. pakiramdam ko ang tagal tagal nang nakamudmod ang mukha ko sa mga libro na inaaral ko sa dami nila... e tatatlong araw pa lang naman ang nakalipas nang magstart ang exams...

Nagsisimula na akong makaramdam ng stress sa mga pinagaaralan ko tapos may sumabay pa na problema.. kaya naman minsan mas iniisip ko pa ang problema na nung una akala ko ay worth it na pagisipan nang solusyon..kesa sa pagaaral ko..kung bakit pa kasi ngayon pa kung kelan e dapat yung utak ko nakaconcentrate lang sa pagaaral at hindi sa mga walang kakwenta kwentang bagay tulad na lang ng problemang yon...piste!

Buti na lang at kahit na problemado ako.. e may mga tao padin na nandyan para magsilbing inspirasyon ko sa pagaaral.. mga taong nagbibigay sakin ng gana para isipin ko na kailangan kong gawin ang mga bagay bagay na alam kong para sa ikabubuti ko din naman... ngayon sobrang naniniwala na ako sa kasabihan ng isa kong kaibigan na ang lahat ng luha ay may kapalit na tuwa...umatake lang nanaman siguro ang pagiging pessimistic ko netong huling araw.. pakiramdam ko kasi sobrang malas ko.. paano naman kasi.. nagaaral ako para sa finals.. kaso hindi ko maibigay ang buong porsyento ng konsentrasyon ko sa dahilang naibaling ko ito sa mga problemang bumabagabag sakin..

Pero ayoko nang isipin pa ang mga problemang yon..kontento na ako ngayon sa nararamdaman kong saya nang dahil sa mga taong nagbibigay sakin ng inspirasyon (yikkeee!!) na may halong kaba kung makakapasa ba ako para sa finals...

Akshwali di pa tapos ang pagsusulit namin.. nagkataon lang na bukas e wala akong exam kaya naman petix mode muna ako sa ngayon.. ipapahinga ko muna ang utak ko na sobrang nagamit netong nakaraan para naman hindi ako mabaliw kakaaral para sa susunod na araw ng finals.. ngayon e nagdadasal ako na sana e pumasa ako sa lahat ng subjects.. dahil pag may naibagsak man ako kahit isa man lang.. sabihin mang may removal exams.. e maiiyak padin ako ng bonggang bongga...

So help me God..


--------------------

4.10.08


Dear Santa

BER months na... nagsimula na ang countdown para sa nalalapit na christmas.. and for sure, nakapagsimula na ang marami sa ating magipon para sa ipambibili ng mga regalo pagsapit ng gift giving..

Lahat tayo ay may hiling para sa pasko... at maglilista ako ng ilan.. nagbabakasakali ako na matupad mo yun.. yung iba sa mga ito alam kong imposibleng matupad pero malay natin baka ikaw ang maging Santa Claus ko.. bibigyan kita ng malagkit na kiss at mahigpit na hug kung mangyari man yun..

Ang Wishlist ko

Bagong Lappie... gusto na kasing magretire ng laptop ko.. IBM ang tatak niya at tatlong taon na din ang tagal ng aming samahan... sa lahat ng pagkabigo at tagumpay ko sa mga schoolworks.. siya ang kasama ko.. kaso tinotopak nadin siya minsan.. kaya naman nangangailangan na siya ng kapalit.. kung papipiliin ako..pwede na ang MacBook sakin.. haha!!

Digital Camera.. sa kasamaang palad.. nasira ko yung digicam ko nung last christmas.. at hindi na maayos ayos pa.. kaya naman sobrang lungkot ko.. dahil pakiramdam ko... ako lang ang taong walang digicam sa buong mundo tuwing magkakaroon ng kodakan..

Trip to Disneyland...hanggang ngayon pinapangarap ko padin 'to... pero wala na ang inggit ko kay frenemy.. ang gusto ko lang e makasakay sa mga rides nila doon.. yun lang naman .. isa kasi ito sa mga pinapangarap ko nung bata ako.. at hanggang ngayon e hindi padin nawawala sa mga wishlist ko..

Boyfriend.. err.. di naman ako nagmamadali.. nagdadalawang isip nga ako kung ilalagay ko ba ito o hinde.. pero ilalagay ko na din, baka isipin niyo pa na materialistic akong tao, at wala na akong ibang hiling kundi puro mamahaling bagay.. pero alam kong imposible itong hiling ko na ito.. nagbabakasakali lang.. baka mabasa nga ito ni Santa Claus at bigla niya akong padalhan nang lalake sing gwapo ni Richard Guiterrez.. ihahanda ko na yung christmas socks ko na sing laki ng tao para sa kanya..

World peace.. gasgas na.. pero hiling padin ng marami sa atin, hihiling lang naman din ako, bakit hindi ko pa isama ang hiling ng nakakaraming tao.. seryoso.. hindi lang ito para sa akin.. para din ito sa tatay mo, sa nanay mo, at sa ibang mga mahal mo pa sa buhay.. alam kong hindi ito mabibigay ni Santa.. dahil alam kong nasa sa atin din yun kung gusto ba natin makipagbangayan o hindi sa mga kaaway natin....

Marami pa akong hiling talaga.. ilan sa mga yun ay ang good health, safety, at peace of mind.. pero sa lahat ng mga ito.. ang tanging hiling ko lang na sa alam ko e ang pinakacheap sa lahat ay sangkatutak na Stick-O at isang pack ng Choco Mucho...

Ikaw.. ano ang wishlist mo?


--------------------