About
23.12.08


Bakasyon?--NO!

akala ko magiging puno nang mga batugang araw ang bakasyon ko--wrong!

mas magiging abala pa pala ako ngayong holidays... mas busy pa ako ngayon kesa sa araw nang pasukan.. gusto ko na ulet nang may pasok! demmet! naging busy kasi ako sa pagdalo nang mga christmas parties at magorganize nang kung ano ano...

di ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko at nagpresinta akong magorganize nang mga krismas party at birthday party.. kala ko naman kasi madali lang, ang hirap pala.. pero all in all.. masaya naman kahit papaano.. pero ang sakit padin sa ulo!

Kagibunshin teknik! 2 x 2 x 2!!!

Magbibirthday na kasi si kyle sa jan.4 at ang gusto niyang theme Naruto... sana lang diba? nagagawa kong paramihin ang sarili ko para hindi ako naiistress nang ganito dahil sa pinaggagawa ko.. di naman ako nanonood kasi nun, kaya napilitan akong manood nang mga ilang episodes para makakuha nang idea.. naubusan lang ako nang chakra.. wala akong napala.. ang pinaka-enjoy lang namag gawin sa pagorganize nang party e yung papgplano nang foods.. at ang pagisip nang mga makukulit na games.. iskempertush! happiness and energy! GO!...

hindi talaga mawawala ang hephep hooray sa christmas parties na nadaluhan ko.. at nanalo ako once nang tumataginting na 200 pesosesoses!! kaya isinama ko na yung game na yun sa mga inorganize kong party...

pwede na akong maging party organizer.. parang nakikita ko na ang sarili ko after kong magaral at wala pang trabaho... malamang eto ang raket ang papasukin ko.. saya!..

dahil sa sakit sa ulo na binibigay sakin paminsan minsan nang mga pinagkakaabalahan ko ngayon.. pakirmadam ko hindi ako nagbabaksayon.. at malapit na pala ang christmas day.. hindi ko man lang napansin, parang kelan lang nagcocount down ako... gusto ko lang bumati.. MERRY CHRISTMAS!


--------------------

9.12.08


Hello Kitty

Hindi lahat nang batang may dalang bag pumupunta sa school, yung iba naglalakwatsa lang...

Kilala mo ba si Dora the explorer?

Humiling kasi yung inaanak ko nang stuff toy na dora the explorer para sa krismas kaya naalala ko yung mga jokes tungkol sa cartoon character na 'to.. dahil nga napakademanding nang inaanak kong yon e humirit pa na gusto din niya nang stuff toy na boots... yung alagang unggoy ni dora... sa dinamidami ba naman kasi nang pwedeng alagang hayop, unggoy pa.. at hindi lang unggoy, may mga sumusunod pa sa kanyang tatlo pang hayop tuwing magagawa niya kasama nang alaga niyang si boots ang mga quest... ang pagkakaalala ko palaka, grasshopper, tska snail yun e.. basta sila yung parang banda na nakikisayaw sa kanila habang kinakanta yung "we did it! we did it!.." na parang mga sira ulo lang...

At di halatang nanonood ako nito diba?!.. kasi ba naman di ako pwedeng magreyna reynahan ng tv pag nanonood nito yung mga pamangkin ko, lagi lagi nilang pinapanood 'to ang masaklap.. paulit ulit pa kaya memorize ko na yung mga ibang episodes pati syempre yung mga kanta.. malapit ko nang maging kamukha si dora.. pakingshet! kaya minsan naiirita na akong panoodin ito... pero may aliw padin namang hatid ang negrang batang ito sa akin.. maliban sa natututo ako nang espanyol... e nagagawa niyang basahin ang utak ko... ang galing!

Dora: What's your favorite part of the trip?
Pey: ....
Dora: I like that too...

Isipin mo na lang.. lahat nang tao may bag pack na violet na aside sa nagsasalita ito, e marami pang laman... edi sana pag may problema ako, yung bag pack na lang yung kakausapin ko, tapos sa kanya ko na din kukunin yung pwede kong pangsolusyon sa problema... diba? astig!

Nasabi ko na bang hindi ako gaano ka-street smart?.. ngayon alam mo na.. kung naging pusa ako at gusto mo akong iabandona di mo na kailangang ilayo ako para di na ako bumalik sa bahay niyo, ilabas mo lang ako nang gate, ok na... kaya tiwala sakin mga magulang ko na di ako lakwatsera e.. minsan hinihiling ko kasi na sana meron din akong map katulad nung kay dora, nagsasalita pa.. galing diba? oo nga... kasi cartoons, pero paano kung sa totoong buhay meron nito? panigurado ang saya nun... nagsasalitang mapa?! awesome!

Sana kasing dali lang nang buhay natin ang buhay ni dora, na para mapigilan natin ang bawat taong magiging sagabal sa mga pangarap natin e pwede nating sabihin ang "swiper no swiping!"... na kapag nangangailangan tayo nang isang bagay, nanjan si bag pack to the rescue... na kapag nawawala ka sa landas na iyong tinatahak, may mapa ka na wala nang ibang kanta kundi "im the map.. im the map.. im the map...." ilan kayang "im the map" ang sinabi nang mapang yun sa kanta niya?...

Pero in the end, kahit na ilang Swiper the fox ang maingkwentro natin sa buhay, e magagawa at magagawa din naman natin ang lahat nang mga quest na parang kay dora, basta may tiyaga... at sa huli, mapapakanta din tayo nang "we did it! we did it! hooray!"

Sus... choosy pa yung inaanak ko, e meron na akong nabiling regalo para sa kanya... eto na lang para kikay.. ahihihi!


--------------------

4.12.08


Hulaan mo!

Nakwento ko na minsan si Mr.Braggington dito...

Kamusta na siya?.. mahangin padin naman.. walang pinagbago, ganun padin ang kanyang bagyo.. at habang tumatagal, nasasanay na ako sa kayabangan niyang taglay.. mejo close nadin kame kasi madalas kasama namin siya nang mga kaibigan ko at napansin ko may naitatago din palang kabaitan ang lalakeng ito...

Kasama namin siya nang kaibigan ko nang minsang magkrismas shopping kami, siya ang alalay-slash-driver, ang bait no? pero humiwalay siya samen, ayaw daw niyang sumama sa pagshopping.. masakit daw sa paa...pft! mga lalake talaga...

after ng about 5 hours nang pagkakahiwalay namen sa kanya.. nagtext siya bigla..

Mr.B: Asan na kayo? di pa ba kayo tapos?
Pey : Patapos na, malapit na
Mr.B: Ok

..after 12 min. and somewhat sec.

Mr.B:tapos na? Gutom na ako..
Pey: Teka lang..
Mr.B:Tagal naman!
Pey: dapat kasi sumama ka na lang samin e.. tara..Ü
Mr.B: bilisan niyo.. text mo na lang ako kung tapos na..

..after 8 min. and somewhat sec.

Mr.B:Nakakabagot, napipikon na ako... sobrang tagal niyo..
Pey: Sori, haba nang pila e, teka lang patapos na, nagbabayad na lang.. last na to..Ü
Mr.B:Asan ba kayo? Puntahan ko na kayo..
Pey: Guess..Ü
Mr.B:wala akong balak makipagtaguan senyo at manghula kung nasan kayo, kung ayaw mong sabihin uuwi na ako..
Pey: Sira.. Dito sa Guess, sa store nang Guess! Tongaz!

Nang nahulaan niya na nasa Guess kami.. nakita na namin siya, at halatang galit.. pero nilibre padin niya kami nang dinner.. ang bait!.. matapos kumain, nawala na yung init nang ulo niya, at nagsimula nanaman siyang magyabang... pero ayos lang, sanay na ako...

May dalawang napansin lang ako sa kanya nung araw na yon... una pasensyoso siya, kahit na mejo sinusungitan niya ako sa text na parang babaeng may pms, nakapaghintay padin siya nang halos anim na oras..maliban pa doon napagtanto ko na mas gumagwapo pala siya pag galit..

Yun naman pala e.. mabait din naman pala siya.. ÜÜÜ


--------------------