Kauuwi ko lang ng bahay nang marinig ko ang balitang ito galing sa nanay ko... gagawin na daw pre-paid ang kuryente..
*tambling*
napatambling ako nang marinig ko 'to sa nanay ko, akala ko nag-jojoke lang siya, pero narinig ko ito kani-kanina lang sa balita.. iba na talaga ang nagagawa ng mga gipit na tao.. kung ano-ano ang naiimbento.. kakaiba,, pero ang tanong.. papatok kaya?..
dati ang alam ko lang na pre-paid e cellphone load.. tapos pre-paid na internet.. o tinatawag nating internet card para sa mga dial-up.. napanood ko din dati sa Bubble Gang ang tungkol sa joke nilang pre-paid cable na nagmaterialize naman.. pero ngayon?.. pre-paid na kuryente?.. akala ko bubble gang din ang pinapanood ko nang mapanood ko yung balitang iyon.. pero dinig ko ang boses ni Julius Babao na nagbabanggit ng naturang joke.. este balita...
at ang mas malupit sa balitang ito?..
Pinag-aaralan daw sa ngayon ang pagpasa ng kuryente mula sa isang metro papunta sa isa pang metro.. which means.. parang pasaload o share-a-load..
edi.. sa mga tindahan may ganito na..
"pabili nga po ng kuryente!"
"papasa nga po ng kuryente!"
Nakakatuwa.. dahil may ganitong imbensyon.. kaso parang joke talaga.. baka sa susunod magkaroon na din ng pre-paid na tubig, pre-paid na pagkain, at pre-paid na gas.. lahat ng mga bagay na mahal.. pre-paid na..
Ayon sa balita.. malaki ang matitipid natin sa pagkakaroon ng pre-paid na kuryente.. hindi na natin kelangang magbayad ng system loss charge na minsan nang naging dahilan ng pagbabatikos kay Judy Ann Santos...
Para sakin.. ayos 'to.. mababawasan ang mga bayarin natin.. makakatulong ito sa ating mga Pinoy.. bakit nga naman hindi?.. basta ba makakatulong sa pagunlad ng ating bansa.. kahit na katuwa-tuwa.. papatuLAN natin..
Ikaw?.. ano sa tingin mo?