Galing ako sa isang mall kahapon, at may nakasalubong ako na dati kong kakilala.. hindi ko siya namukhaan nung una.. dahil ang pagkakaalam ko, e ang itim itim niya dati.. aba! ngayon.. ang puti na niya.. kapantay ko na siya ng kulay ng balat.. at halata naman talagang nag-improve ang kanyang itsura dahil sa pagkakaputi niya...
Akala ko kung sinong timang ang ngumingiti sakin nang nakasalubong ko siya.. yun pala.. siya yung dating ka-schoolmate ko na sobrang yabang at naging kaaway ko dahil sa kanyang ugaling yun.. bata pa naman kasi kami noon kaya hindi maiiwasan ang magkainggitan.. pagandahan ng tali ng buhok.. pagalinggang mag-sayaw, pataasan ng grades.. at kung ano-ano pang competition na pwede mong sabihin para lang mapagsabong mo kaming dalawa.. kahit pa sa your-crush-is-also-my-crush competition.. napagdaanan na namin... may mga pagkakataong siya ang panalo.. pero sa maniwala kayo at sa hinde.. madalas laging ako ang panalo... at sa muling pagkakataong makakapagsabong kami.. turn ko naman para ako ang matalo...
Dati nung nasa pre-school pa kami.. lagi kaming pinagkukumpara sa isa't-isa...maitim siya, ako maputi.. payatot siya, ako naman mataba, matalino siya..pero matalino nga namang masasabi, hindi naman sa pagmamayabang e mas matalino ako sa kanya.. lagi kaming pinaghaharap noon, dahil nga sa pareho kaming talented.. sayaw, acting, o singing.. game kami jan.. pero dapat lagi ako ang bida...hanggang sa paglaki namin..
Naalala ko pa noon, umiyak ako sa nanay ko nang minsang nalaman kong nakapunta siya ng Disneyland..buong pagmamayabang niyang sinabi niya sakin na nakita niya in person sila Mickey mouse.. nung mga sandaling yun.. pakiramdam ko.. ako na lang ang batang hindi pa nakakapunta sa lugar na yon
Ako: nay! gusto kong pumunta bukas sa Disneyland! huhuhuhuhuhu! *singhot sa tumutulong sipon, paubo-ubo pa*
Nanay: inggitera ka talagang bata ka.. aysusme! tumigil ka nga!
Ako: eeeee! nanay! dali na! *hinihila ang damit ng nanay* alis na tayo.. sakay na tayo sa sasakyan!
Musmos pa lang naman ako nun.. ano ba ang alam ko sa layo ng Disneyland dito sa Pilipinas.. akala ko pwedeng lakbayin yun gamit lang ng sasakyan namin...
Nawalan ako ng kakumpitensya sa lahat ng bagay.. nung lumipat siya ng school noong elementary kami..
*itago natin siya sa pangalang frenemy..
Nang nakilala ko na si frenemy mula sa pagaakalang isa siyang timang na ngumingiti sakin.. napagtanto kong siya ang dati kong kaaway.. inaya niya akong mag-kape.. her treat daw.. laking gulat ko.. ang magiting kong katunggali nung bata pa ako.. e por da pers taym.. lilibre niya ako.. akala ko magkwekwentuhan at magchichikahan kami yun pala hindi..
Nagimprove nga ang kanyang itsura.. gumagamit daw ang loka ng metathione, ang dati niyang pangong ilong.. pinaayos sa isang far away country.. ang daddy daw niya nagtratrabaho na sa ibang bansa, at kung ano-ano pang hangin ang naramdaman ko sa kanya... deep inside.. natatawa na lang ako.. nag-improve na nga ang panlabas niyang anyo..pati ang kanyang ugali.. lalong nag-improve.. lalong yumabang..
Hindi kami nag-usap.. nakinig lang ako sa kanya.. dahil para sakin.. ang pag-uusap e ang pagpapalitan ng salita.. di katulad ng nangyari samin.. siya lang ang dumakdak.. ginawa niya akong walking diary.. pakingshets..
Nag-aaral daw siya sa Cheverloo School of Eklavoo taking Bachelor of Chorva in Chuvaness.. may tatlong boypren daw siya galing sa iba't-ibang far away country.. at marami pa siyang kwento na hindi ko naintindihan..
Kaya pala niya ako nilibre.. binili lang pala niya ang oras ko para pakinggan ang kayabangan niya.. papatulan ko sana.. sanay naman akong magbuhat ng sarili kong bangko.. pero di ko siya kinaya.. kung ako ang bubuhatin ko e bangko.. sa kanya naman.. ang binubuhat niya ay sofa.. di ba siya nangangawit?.. nakakaloka...
Nang di ko na natagalan.. nagkunyari na lang akong may pupuntahan pa.. nagpasalamat sa libre niyang kape.. na galing sa isang kapehan na sinasabi nilang sosyal pero para sakin e pangsosyal sosyalan lang naman... tinanggap ko na natalo ako sa muli naming pagsasabong nun.. hindi ko kinaya.. yung bangko ko na sana e binuhat ko ng buong pagmamalaki.. inihagis ko na lang.. pinagbigyan ko siyang buhatin ang kanyang sofa.. para naman makabawi sa lahat ng pagkakatalo niya sa akin nung kabataan namin... pero pakingshets! mukha siyang sofa! nakakairita!