About
10.9.08


Bayabas Air Freshener

Isang napakagandang umaga, pinili kong sakyanang isang air conditioned bus para hindi ako mausukan; bilang isang nursing student, dapat kong mapanatiling mabango, malinis, at walang bahid ng kahit anong dungis ang aking puting uniporme.. kumportable akong umupo sa pinaka-dulo ng 2-seater na upuan, pinili kong pumuwesto sa tabi ng bintana, nagbayad kay mamang konduktor, at kampanteng nakinig sa kanta na pinapatugtog sa bus na nasakyan ko.. tila gumagawa ng mtv ang drama ko ng mga oras na yon... nang may sumira ng aking pagkakakampante sa aking kinauupuan..

May sumakay na mama, at tila isang malakas na buhawi ang pumasok sa loob nang bus na may dalang masamang hangin.. taena! bat amoy bayabas?!!

Tumabi sa akin yung mama, at nagkadikit kami ng balat... shet! ambahoooo!!, pinigilan ko ang hininga ko at tumingin nang bakanteng upuan sa harap, ngunit bigo akong makakita ng malilipatang upuan., puno na ang bus,at malayo pa ang bababaan ko, kaya no choice ako kundi wag lumanghap ng hangin na nag-aamoy bayabas...
Kahit na nilalamig ako, itinapat ko yung aircon sa kinauupuan ko sa pagbabakasakaling mabawasan ang nalalanghap kong pollution, pero nagmistulang air freshner ang amoy niya.. narinig ko ang isang estudyante na nakaupo sa aming harapan ang nagsambit nang "ambaho naman, ang aga aga.. may putok"... mahina ngunit dinig na dinig ko at ng aking katabi ang sinambit niya.. nagdiwang ang tenga ko dahil may kakampi ako na gusto din siyang paalisin.. napatingin ako sa mama at nakita kong napayuko na lang siya dahil alam niyang siya ang tinutukoy na mabaho ng estudyante..

Tatlumpung minuto akong nagpigil nang hininga muntik na akong mahimatay, nang umalis ako sa aking kinauupuan, napasambit ako ng "haay.. salamat" at hindi na lumingon sa aking nakatabi.. pakiramdam ko, dumikit ang amoy ng mama sa aking uniporme pati nadin sa aking ilong.. ang suot kong maputi, mabango, at walang bahin ng kahit anong kadungisan ay nag-amoy bayabas na dahil sa mamang nakatabi ko..

Pakiusap!
Gumamit naman kayo ng Deodorant.. kung cant afford mura lang naman ang tawas..
at kung alam niyong may amoy kayo.. wag na kayong sumakay sa air-conditioned bus...
o kung ayaw niyo.. wag niyo naman akong tyempuhang makasakay..
at please! wag niyo akong tabihan!.. lalong lalo na pag umaga...

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]


--------------------