About
7.9.08


EMO-ness

Hindi na ako masyado makapag-update.. ang daming ginagawa.. ang daming kelangang tapusin.. busy talaga ako, sobra.. sa school at sa bahay.. napakawalang kwenta.. kelangan ko kasing aliwin ang sarili ko sa mga bagay na hindi ko naman dati ginagawa, sinasanay ko ang sarili ko sa mga gawaing dapat ay dati ko pang binigyang pansin...(ulol! excuses! haha!)

Ayoko ng surprises at drama.. hindi ko kasi alam kung paano ako magrereact towards sa situations na nangangailangan ng extreme emotions, basta lahat ng extremes.. ayoko.. galit, tuwa, saya, kaba, takot, at lungkot.. kahit na ano pang emosyon yan na nangangailangan ng matinding konsentrasyon, i will just end up crying, mapa-tears of joy man yan o tears of anguish..

Sa madaling sabi.. iyakin ako... at ayoko nang umiyak! please lang!!!

Isang linggo ko nang inaalagaan ang magaganda kong eyebags dahil hindi ko pinapansin si tulog, binubusog ko siya sa pamamagitan ng luha ko.. napupuyat, pero hindi naman pumapayat dahil lagi naman akong kumakain.. isang paraan para maibsan ang kalungkutang nararamdaman ko.. taena! broken nanaman ako...

At tanging etong pagbloblog ko sa ngayon ang sa tingin kong makakatulong sakin para mailabas ko ang emosyong kong eto na napaka-alien para sa akin.. ngayon lang ako nakaramadam ng ganitong klaseng kalungkutan.. minsan hinhiling ko na sana.. wala na lang akong emosyon.. para hindi na ako mahirapan..

Ayoko ng ganitong pakiramdam!

Blogger jiMboy said...

Cry if that will make you feel ok. But don't let it own you. There are still good things in life to enjoy. :D

September 9, 2008 at 1:47 PM  
Blogger Euroangel said...

ilabas ang feeling..visiting here!!

September 13, 2008 at 1:01 AM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]


--------------------