Bawat araw dumadaan tayo sa proseso ng pagdedesisyon.. mga simpleng bagay tulad ng pagpili ng suot mo sa araw na 'to, kung paano mo gagastusin baon mong pera ngayon, kung maliligo ka ba o hindi, gawin ang trabaho o haharap sa computer buong araw, sasama ba sa mga gora o mananatili lang sa bahay.. at kung ano ano pang mga bagay na pinagdedesisyunan natin araw araw.. maliit na proseso na lagi nating pinagdadaanan na may maidudulot na malaking pagbabago sa hinaharap...
Maraming beses nang nangyari na may gusto akong gawin kaso alam kong mali, at may mga bagay na labag sa kalooban kung gagawin ko pero yun ang nararapat.. mga bagay na nagpapagulo sa isip ko, hindi ko alam kung paanong pagdedesisyon ang gagawin.. gulong gulo.. nakaka-bobo..
Alam mong mali.. bat mo nga naman gagawin?.. mga bagay na alam mong ikakasiya mo kung gagawin mo nga pero batid mong maaring may masamang maidudulot sayo sa hinaharap... bumabagabag sayo ang pagiisip na baka manghinayang ka sa huli kasi di mo nagawa, pero natatakot ka na baka tama ang hinala mong magkamali ka... ano? gagawin mo padin ba?..
Naalala ko lang sabi sakin ng tatay ko dati.. kung magdedesisyon man daw ako sa kahit anong bagay.. dapat daw "tamang gawain" at hindi basta bastang "magandang gawain" ang piliin...di ko alam kung anong espirito sumanib sa kanya noong panahong yon at bigla niyang nabanggit yon.. pero napaisip ako sa sinabi ng butihin kong ama.. hindi lahat ng gusto dapat sinusunod.. hindi lahat sinusubukan kaagad.. dahil may mga bagay na sa oras na gawin mo, hindi na maibabalik pa sa dati ang lahat, at may iba naman na may nilalaanang tamang panahon.. pumasok sa utak ko.. pilit kong iniintindi, naguguluhan padin ako..
Kahit ano pang piliin.. sa gustong gawin o tamang gawin.. kelangang pagisipan itong mabuti.. ika nga ng isang kasabihan.. nasa huli ang pagsisisi...
kung sa tingin mo ay dapat mo na talagang gawin 'yan, gawin mo na. may mga bagay kasi na mismong ikaw talaga ang dapat sumubok para malaman mo ang epekto nito.
sabi ng iba, hindi ako alitaptap na lalapit pa sa apoy at masusunugan ng pakpak para lang mapatunayang mainit it" sabi naman ng iba, "paano ko malalaman kung gaano kahapdi ang sugat kung hindi ako madadapa."
kung alin man diyan ang susundi at gagawin mo ay ikaw lang ang nakakaalam. may mga bagay na sadyang ikaw talaga mismo ang dapat makaekspiyensiya. ang mga magulang at kaibigan ay mga gabay lang. may mga sarili silang perspiktibo na ihuhulma sa iyong isipan pero sa huli, sariling opinyon mo pa din ang masusunod.
bilang bata, karapatan mong tumuklas ng mga bagay bagay. sa huli, wala ka din pagsisihan. alam mo kung bakit? kasi masasabi mong ginawa mo ang lahat sa sarili mong paraan. hindi ka nagbase lang sa kung ano ang ekspiryensiya ng karamihan. gumawa ka ng sarili mong hakbang, bilang isang tao, na may sariling utak, may sariling desisyon, may sariling disposisyon at may buong tapang!
AMEN!
Pedro..
Wow..aym so honored.. alam mo bang para akong pinansin ni piolo at sinabihan na ang ganda ko sa pagkomento mo?..
at di lang basta bastang kumento ang binigay mo kundi isang napakagandang payo.. maraming salamat pedro para dito.. natuwa naman ako sa mga nasabi mo.. yikkeee.. kinilig ako.. hehe!!
Tama ka sa sinabi mo.. ako lang nga ang makakatuklas sa mga gusto kong malaman na mga bagay bagay.. nauunahan lang siguro ako ng takot na madapa, masakatan, magkamali, at matalo sa huli.. kaya naman ganun na lang ang pagkagulo ng isip ko.. pero dahil sa sinabi mo, lumakas ang loob ko.. maraming salamat :)
ang haba nang komento ni mang pedro. tama ang tatay mo batang pilya, ang tanong sinusunod mo ba naman ang mga payo nang tatay mo?
Byter..
Ang haba nga.. haha!..
Maraming mga payo ang sinasabi satin ang mga magulang.. na para din naman sa ikagaganda ng buhay natin.. nasa sa atin kung susundin o hnde.. uhmm.. at sa tanong mo na yan.. syempre susundin ko tatay ko.. :)
hmmm.. malaki ang puwang ng pagkakamali sa mundo. walang perpekto. may mga oras na under time pressure ang pagdedesisyon. hahasain tayo ng mga eksperyensya sa mabilis na tamang pag-iisip ng tamang desisyon. pero hindi lahat ng oras tama at maingat tayo.
ang alam ko lang ipinagdarasal ko na lang lahat... bahala na Siya.
ingat...
Lunes
Ang pagkakamali ang kinatatakutan ko.. at tama ka walang ngang perpekto.. kaya naman napapa-bahala na lang ako pagkatapos kong magdesisyon..
Dasal dasal na lang ang katapat nyan.. :) ingat ka din.. salamat..
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]