About
13.10.08


Sembreak!

Natapos nadin sa wakas ang finals... resulta na lang ang kulang..para buong laya na akong makakahinga ng maluwag.. pasa ba o bagsak?..pwede na ba?.. pasang awa?.. di ko alam.. basta dapat wag masayang yung naubos kong tinta nung leone stylus ballpen ko.. kakashade ng bilog, square, rectangle, triangle, pentagon, star, oblong.. at kung ano ano pang hugis.. dahil halos lahat ng exam may multiple choice... eeny meeny miny moe!

Sa lahat ng subjects.. yung Statistics exam namen ang di ko makakalimutan.. maliban sa dahilang ito lang ang exam namin na walang multiple choice.. e lab ko talaga ang mga subjects na may kinalaman sa math.. walang minememorize masyado.. kaso minsan hindi niya ako gusto.. minsan di ko alam kung ano ba ang gusto niyang sagot ko..

***

Ramdam ko ang tuwa nung nakita kong iisang papel lang yung binigay samin.. tapos iisang page lang, nilaan yung likod ng papel for computations.. nasa isip ko na madali lang ito.. at mas lalo pa akong napangiti nang makita ko ang mga tanong.. dadalawa lang naman pala.. sus! no problemow!!!

Tatlong oras ang ibinigay samin para tapusin ang exam..sobra sobra para sagutan ang dadalawang tanong.. ayos to..nasa isip ko na makakauwi ako ng maaga.. makakapagpahinga, at makakabawi ng tulog dahil sa pagpupuyat ko kagabi kakarereview.. binasa ko ang unang tanong.. mejo mahaba kasi kaya mga limang minuto kong binasa ng paulit ulit.. hanggang sa maintindihan ko kung ano ang hinihingi niyang sagot.. napangiti ako.. ngumit at ngumiti.. ngumiti sapagkat yun lang ang kaya kong gawin.. tae..nakalimutan ko kung pano sagutin...
Pass.. mamaya na to..

Sa pangalawang tanong muna ako..

Mahaba pa ang oras.. babalikan ko ito mamaya.. baka may bumulong sakin ng paraan ng pagsagot

Sa ikalawang tanong ako nakakita ng liwanag.. liwanag ng pagasa na makakasagot ako at nagbigay sakin ng ideyang hindi ako makakakuha ng singko.. kumuha ako ng scratch paper at nagsimulang magsulat ng mga numero.. at nakuha ko naman ang sagot.. sigurado akong tama yun...mahaba ang proseso pero hindi ako nahirapan ng masyado.. kering keri..nagaral ata ako..

Ok.. now wats neks?.. ampness! babalikan ko na yung unang tanong na hindi ko alam kung paano sagutin.. at oo.. walang bumulong ng paraan ng pagsagot.. hindi ko alam kung paano ko mairaraos ang aking sarili sa kahirapang nararansan ko.. dadalawa ang tanong.. yung isa nasagot ko na.. kung magkakamali man ako sa gagawin kong pagsagot sa unang tanong... kalahati lang ang tama ko.. bagsak paden.. bagsak.. bagsaaaaaak!!!.. boom! nakaisip ako ng ideya.. ayokong mangopya.. hindi ko kasi talent yon.. at kabado akong gumawa ng ganong kasalanan.. pero sinubukan kong sumilip sa katabi ko.. nakita ko ang kanyang papel na wala pang kasulat sulat.. hindi niya din alam kung paano saguten.. hehehehehe!!! yesss!!! may kadamay ako! wahahaha!! hindi na ako nangahas na silipin pa yung isa kong katabi.. ayoko na.. ok? di ko gawain yun!! pramis.. maniwala ka.. kung ayaw mo.. pipilitin padin kitang maniwala (guilty?! hehe) maniwala ka na please?

May ideya naman talga ako kung paano ko sasagutin ang unang tanong..hindi lang ako sigurado.. di tulad sa ikalawang tanong na kompident ako sa pagsagot..

Sariling sikap na lang... sinagutan ko na lang ang mahiwagang tanong sa paraan na alam ko.. kahit hindi sigurado..

Pinasa ang papel.. huminga nang malalim.. at umuwi..

Ayun.. yun lang..

Dadalawang tanong.. pero nagtagal ako ng sobra sa isang oras.. di tulad ng iba kong mga pagsusulit na 30 min. tapos na.. (haha! mayabang!) ayoko kasi ng nagtatagal sa pagsagot ng mga exam.. hindi naman sa minamadali ko pero habang tumatagal ako sa pagiisip ng sagot lalo kong nararamdaman na bobo ako.. at oo naging bobo ako nang dahil sa katanungang yon.. pft!! i heyt it!! naiiyak ako kasi hanggang ngayon hindi ko alam kung ano ang sagot dun.. iniisp ko kung paano siya sasagutin.. na parang isang manliligaw na crush ko din naman pero nagpapakipot pa ako.. at pinepressure ako.. haha! ano ba yan! nabaliw na ako nang dahil sa katanungang yan!!!

Di ko alam kung bakit ko pa iniisip ang sagot.. naiwan ko ata yung kapiranggot kong utak dun sa papel ko.. di ko kasi malimot limot at kahit ano pang pilit kong wag nang isipin pa ang pangyayaring yon.. e hindi ko talaga mapigilan..

Pft! Ok.. I'll move on!! Ayoko nang isipin pa ito...

Sembreak na at dahil don ipapahinga ko muna ng bonggang bongga ang sarili ko.. bakasyon sa La Union.. sa wakas makakauwi na ulit ako sa probinsya namen.. mga one week din ako dun.. isang regalo para sa sarili ko na halos dalawang linggong nagpuyat kakareview!

Anonymous Anonymous said...

wow La Union, kung sakaling makita mo dun ung frnd ko na Grace, pakisabi magparamadam siya.wehehe.biro lang.

naku atleast ka mahal mo ang math, sus ako nun - pag stat na.. aabsent na ako nyan. at maraming excuses.wehehe.

enjoy your sembreak.papasa ka dun. batang maganda.. sinusuportahan ko si fb dahil siya ay apo ko.wehehe..

October 14, 2008 at 7:11 AM  
Anonymous Anonymous said...

sem break na rin namin pero trabaho pa rin... im planning to go to mars to spent my vacation there. magpapalahi lang mga martian.
Tambayan Ni Byter

October 17, 2008 at 5:27 PM  
Blogger pey pilya said...

Lunes.. nagkita na kami ni Grace.. kamusta ka na daw.. haha!.. magpaparamdam din daw siya sayo..

Sana nga pumasa ako.. wish ko lang talaga.. salamat.. :D

October 18, 2008 at 12:42 PM  
Blogger pey pilya said...

Byter..

wow.. haha!.. sabihan moko ng pagalis mo.. pasalubong ha!.. tska ipakilala mo naman ako sa mga martian.. baka magkaboypren na ako na alien.. Lol.. hahaha!!..

October 18, 2008 at 12:44 PM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]


--------------------