All of you go back to your proper seat and zip your mouth..
Maingay ang mga kakalase ko.. habang ako naman nakatingin sa mga artworks ng mga prep students nang sinabi to nung adviser namen, nakaupo na yung mga kaklase ko at nanahimik bigla, habang ako e nakatayo at manghang mangha sa ibang mga drawings na nakapaskil sa dingding, finifigure out ko pa kasi kung ano ba talga yung ibang nakadrawing, fruits kasi ang topic.. hindi ko kasi lubos maisip na yung isa sa mga nakapaskil.. apple ang label pero color brown tapos may isa pang drawing na strawberry kaso color green... galit ako... favorite ko kasing kulay noon e red...
Imbyerna ang adviser ko sakin.. alam kong ako ang pinaparinggan niya nung mga oras na yun, ako lang naman ang nakatayo at wala sa upuan.. bansag ko sa kanya dati e "teacher-proper-seat".. sumusunod ang mga kaklase ko.. pero ako hindi.. hindi naman ako bingi, ayoko lang talaga siyang pansinin.. kaya patuloy lang ako sa pagkilatis ng mga artworks at sa pagtataka sa pagiba ng kulay ng apples at strawberries..
Isang hamak na kinder student lang ako nun, kung ano ang kinabibo ko noon e ganun din ako kasing pasaway.. may ADHD ata ako nun dahil di ako makatagal na nasa isang pwesto lang, kung ano ano ang napapansin ko sa paligid ko at dapat lalapitan ko yun at pagaaralan ko sabay ng sangkatutak na tanong para sa kung anumang bagay ang napagkadiskitahan ko.. sa sobrang matanong ko nung bata, napagkamalan akong madaldal..
Teacher-proper-seat: Again please go back to your proper seat, especially the girl standing at the back
*nilingon ni pey si teacher-proper-seat at napansin niyang sa kanya lahat nakatingin ang mga klasmeyts niya*
Pey: teacher why is it that those apples are brown and those strawberries are green?
Teacher-proper-seat: ...
Pey: i think it is supposed to be red
TPS: just go back to your proper seat
Pey: teacher sa tingin ko po may mali po sa drawings
TPS: go to your proper seat
Pey: pero teacher... IT IS SUPPOSED TO BE RED!
TPS: GO BACK TO YOUR PROPER SEAT NOW!
walang araw akong hindi siya narinig sabihin ang "go back to your proper seat"
Pangatlong beses na niya sinabi ang magic words.. at bigla siyang lumaki, napunit ang damit niya at naging green ang kulay niya.. dinig ko ang pagkabog ng dibdib ng mga uhugin kong kakalase dahil sa takot.. kaya sumunod na ako.. umupo ako ng maayos.. pero hindi pa din matahimik ang loob ko noon kung bakit hindi pula ang apples at strawberries sa drawing..
Aminado akong maldita ako nung bata ako.. hanggang ngayon ata.. pero mas grabe noon.. isa lang yun sa eksena ng buhay ko na kung saan lumabas ang pagkamaldita ko.. hindi lang yun ang araw na nagmaldita ako kay teacher-proper-seat.. maraming beses pa.. napagkwentuhan kasi namin ni mama kanina yung adviser ko na yon.. nakwento niya na pinapunta daw siya dati ni teacher-proper-seat ko sa school nang dahil sa kakulitan kong taglay.. nagreport si teacher-proper-seat kay mama na ikinulong niya ako sa isang bodega ng school bilang parusa sa pagiging pasaway ko.. natakot si teacher-proper-seat, kasi nung pinalabas niya ako sa kwartong pinagkulungan niya sakin.. ni hindi man lang daw ako umiyak, bagkus tinarayan ko pa siya.. iniisip niya na baka isumbong ko daw siya kay mama tapos tska ako magii-iyak, kaya inunahan na niya akong magkwento sa nanay ko sabay banggit ng paumanhin sa hindi pagtimpi ng galit niya.. aba! pwede kaya siyang kasuhan sa ginawa niyang pagkulong sakin..
Maganda si teacher-proper-seat ko na yun.. magaling magturo.. mainitin nga lang ang ulo, lagi ako ang napagbubuhusan niya noon nang galit niya at nagmimistulang incredible hulk siya.. hindi naman niya ako pinisikal.. yun nga lang.. kinulong nga niya ako sa bodega ng school namen.. pero napatawad ko na siya sa ginawa niyang yon.. binigyan niya ako ng award na "best in art" e.. at dahil doon napamartsa pa ako noong recognition day namen..
Napagtanto ko.. baka siguro kaya brown yung apples kasi bulok na.. at yung strawberries e hilaw pa kaya green.. o siguro talagang trip lang nung mga prep students para maiba naman, o pwede ding naubusan sila ng crayon na red.. kawawa naman sila.. "S"(Satisfactory) lang kasi nakalagay na grade sa drawing nila.. naalala ko tuloy yung style ng pagrade nila sa mga activities na ginagawa namin.. O, VS, S, NI.. Outstanding, Very Satisfactory, Satisfactory, at Needs Improvement
Nakalimutan ko na yung kwento ng pagkulong sakin ni teacher-proper-seat.. tsaka ko na lang naalala nung nakwento ni mama.. ni hindi man lang daw ako nagsumbong sabi ng nanay ko.. natawa na lang ako.. kasi netong huling araw.. nang nagkaroon ng event sa dati kong school, pumunta ako at nakita ko ang dati kong adviser.. maganda padin siya, alam kong nasa kwarenta anyos na siya ngayon.. pero mistulang trenta anyos lang siya sa kanyang itsura kaso napagalaman ko nga lang na wala siyang asawa o kaya kahit boypren man lang... kinarma siguro sa sobrang kalupitan niya..
ika'y isang bibbo kid pala nung bata at sinasabi ang gustong imungkahi ng iyong bibig. tama yan. haha. nakakatuwa ang kwento mo at napatawa mo ako. ingat!
mundo.ko.mundo.mo.rin
mabuti naman at natuwa ka at napatawa kita... :D ingat ka din
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]