About
3.11.08


Disorganized

Parang kelan lang.. ang bagal bagal ng panahon para sakin nung mga nakaraang araw ng bakasyon.. ngayon malapit na ang pasukan nabibilisan na ako dito.. ang dami ko palang nasayang na oras .. wala na akong ibang ginawa kundi kumain, humilata, manood, at magcomputer... hindi man lang ako nakaisip ng kahit anong gawain na productive.. em so useless...

wala lang feel ko lang sabihin...

Productive in which ang ibig kong sabihin e sana may pera ako.. wala akong pera.. teh shit.. oha! gumaganon na ako.. baliw nga kase ako ngayon.. halata ba?... ahmm.. ok lang na di mo ako naiintindihan... ibig lang nun sabihin normal ka.. kaya sa mga nakakaintindi sa akin at sa mga pinagsasabi ko dito.. mabuhay tayong mga abnormal!!! yey!

Dulot ata to ng seasonal affective disorder... teka, balik tayo sa productive-chorva-idea ko.. sana naisip ko nung first week pa lang nung sembreak na maghanap ako ng raket.. pero dahil nga inatupag ko ang makipaglandian, magpakasarap sa buhay at magparty party.. ayun, wala akong napala.. ay meron pala... negative nga lang.. ayun nga.. wala akong pera..

Nabanggit ko ang seasonal affective disorder kanina,ahmm.. gusto ko sanang banggitin kung ano to.. kaso di ko natuloy yung sasabihin ko.. kasi nga hindi ko pa tapos sabihin yung about sa productive-chorva-idea ko...taena.. ganito ka-disorganize ang utak ko nayon.. alam mo yung feeling na maraming ideas ang pumapasok sa utak mo, then biglang may papasok na panibagong idea pero yung naunang idea mo e hindi pa tapos iproseso ng utak mo? katulad neto.. babanggitin ko sana ulit yung sa seasonal affective disorder na yan at kung ano ito, pero pumasok yung idea ko tungkol sa disorganize kong utak.. ang gulo diba?.. baliw nga kase.. pft!

Ok.. eto na, seasonal affective disorder.. also known as SAD... sad as in malungkot.. eto ay disorder na kung saan e makakaramdam ka ng kalungkutan kahit wala naman dahilan.. eto ang nararamdaman ng mga semi-emo.. kaya semi-emo kasi may pagkakataon na emo sila na may tendency na mapagtripan nila na maglaslas sila ng pulso o kaya tumalon sa mataas na building at may mga times na normal ang emosyon nila.. at ang mga pagkakataon na makakaramdam ng ganitong kalungkutan ay tuwing malamig ang panahon at maulan tulad ngayon.. kung di mo ako maintindihan click mo ito : SAD

Nasabi kong epekto ng SAD ang pagiging non-productive ko netong bakasyon.. kasi pakiramdam ko.. ang hina hina ko, tinatamad ako sa lahat ng bagay.. kain ako ng kain.. oo nga at di ako tulog nang tulog pero lagi naman akong tulala.. ganun padin..

Sana i-extend ang bakasyon.. wish ko lang talga.. para sa pasukan hindi ganito kadisorganize ang utak ko.. o siya.. kelangan ko nang tapusin to at baka kung ano pa ang maisip ko ulit at lalo pang mapahaba ito..

uulitin ko yung isang tanong ko galing sa post ko bago ito.. kelan ba ako babalik sa katinuan?

Anonymous Anonymous said...

speaking of SAD. minsan epekto rin yan ng hindi na aarawan. kasi ang alam ko sa London maraming nagsuisuicide or nadedepress dahil mahaba ang winter.at di sla naarawan...di ko lang sure ha?? weheh.thanks.

November 4, 2008 at 11:20 AM  
Blogger pey pilya said...

Lunes..

oo nga.. parang narinig ko na din nga yan, buti na lang dito sa pinas,walang winter..kaso ang sakit naman sa ulo, minsan mainit minsan malamig.. salamat lunes.. :)

November 5, 2008 at 5:54 PM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]


--------------------