Maliban sa pagiging iyakin na isa sa mga gusto kong maalis sa sistema ng aking pamumuhay... nalaman kong marami pa pala akong gustong baguhin sa sarili ko...
Ang hirap din pala ang maging mapagbigay at maawain sa kapwa...hindi naman ito masama.. mabuti pa nga ito kung tutuusin, pero para sakin e hindi na ito maganda.. lalong lalo na kung malalaman mo na ang taong inaalalayan mo ng kabutihang ito ay mapagsamantala.. mga taong may ugaling masyadong demanding... yun bang ibinigay mo na nga ang kanan mong kamay.. gusto pa makamit ang kaliwa.. gusto lahat kahit ang iyong bituka...
Minsan ay may lumapit saking babae nang mapadpad ako sa isang mall.. wala na daw siyang pamasahe at malayo pa daw ang kanyang uuwian.. humihingi siya ng tulong sakin.. at nanghihingi ng pamasahe... nakakaawa ang kanyang itsura at binigyan ko naman siya ng kaunting halaga... naging maluwag sa aking pakiramdam ang ginawa kong iyon... at masaya ako kasi nakatulong ako sa aking kapwa..
Nagkrus ulit ang aming landas nung aleng yon nung nakaraang araw.. naghihintay ako ng masasakyan pauwi... nakita ko siyang lumapit sa babaeng katabi ko na naghihintay din ng masasakyan.. narinig kong nanghihingi siya ng pamasahe.. kung ano ang sinabi niya sa akin dati para makahingi ng pamasahe e yun din ang sinabi sa babaeng katabi ko.. nagkatinginan kami ng ale at bigla siyang humarurot ng lakad paalis at napatingin na lang sakin yung babae na kanikanina lang ay kausap niya na may halong pagtataka...tsaka ko na lang nalaman na ang aleng yun pala ay manggagantso.. pinagsamantalahan niya ang kabaitan ko...
Hindi naman masama ang maging maawain o mapagbigay.. hindi din masama ang humingi ng tulong sa iba kung ikaw ay nangangailangan.. wag lang sosobra.. dapat matuto tayong tumanaw din sa tulong na ibinigay sa atin ng iba.. at huwag manamantala...
Nakakapikon lang isipin na ang minsang tinulungan ay malalamang masama pala... mga taong walang kwenta.. mga taong manggagamit.. mga taong mapagsamantala...
Hayop... Hayuuup... Hayuuupppp!
-Nora Aunor, Ina Ka Ng Anak Mo
(1979)
masyado ka kaseng mabaet
yan tuloy
ok lang yan
just continue being good to others
:)
-loi
ako din minsan sa kabaitan ko naabuso din ako ng ibang tao. kaya minsan gumaganti din ako, sinasagad ko pagiging abusado ko. ahaha
ganti gantihan lang yan. hindi pwedeng sila lagi lamang.
halloo!
nakakainis talaga pag minsan yung mga tao inaabuso ang kabaitan mo. pero maka-karma din yun. hehe! sana sa susunod na magkita kayo ulit, ikaw nman bigyan nya ng pera. apir!
natawa ako sa quote mo ni Nora Aunor. HAYUUUP! :D
ok lang yan. problema nya na yon pag nagharap-harap na sa taas. otep
hay naku! tama ka! kapag masyado kang mabaet, kawawa ka. aapi-apihin ka. :) nice blog :)
loi..
mabaet ako?.. haha! ay nako.. wala akong pera loi.. tama na ang bola.. ^^ salamat sa lahat ng pagtitimpi ng galit
yods..
sarap talaga gumanti.. sinabi mo pa.. haha! magiisip na ako ng magandang gawin para makaganti sa ale na yun... haha! baka magkrus ulit landas namin,..
tisay..
apir tayo jan! haha! sana nga ako naman ang mabigyan ng pera.. ayos na raket nung matandang yun e..
hayuuup!!
otep..
mukha ngang sa baba ako mapupunta e... haha!! baka dun kami magkita..
This comment has been removed by the author.
joshmarie
salamat sa pagbisita...^^
minsan matuto tayong maging masama..
minsan lang naman...
parang gantihan..^^
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]