Sobrang abala ko this past few days... lintek na finals.. pakiramdam ko ang tagal tagal nang nakamudmod ang mukha ko sa mga libro na inaaral ko sa dami nila... e tatatlong araw pa lang naman ang nakalipas nang magstart ang exams...
Nagsisimula na akong makaramdam ng stress sa mga pinagaaralan ko tapos may sumabay pa na problema.. kaya naman minsan mas iniisip ko pa ang problema na nung una akala ko ay worth it na pagisipan nang solusyon..kesa sa pagaaral ko..kung bakit pa kasi ngayon pa kung kelan e dapat yung utak ko nakaconcentrate lang sa pagaaral at hindi sa mga walang kakwenta kwentang bagay tulad na lang ng problemang yon...piste!
Buti na lang at kahit na problemado ako.. e may mga tao padin na nandyan para magsilbing inspirasyon ko sa pagaaral.. mga taong nagbibigay sakin ng gana para isipin ko na kailangan kong gawin ang mga bagay bagay na alam kong para sa ikabubuti ko din naman... ngayon sobrang naniniwala na ako sa kasabihan ng isa kong kaibigan na ang lahat ng luha ay may kapalit na tuwa...umatake lang nanaman siguro ang pagiging pessimistic ko netong huling araw.. pakiramdam ko kasi sobrang malas ko.. paano naman kasi.. nagaaral ako para sa finals.. kaso hindi ko maibigay ang buong porsyento ng konsentrasyon ko sa dahilang naibaling ko ito sa mga problemang bumabagabag sakin..
Pero ayoko nang isipin pa ang mga problemang yon..kontento na ako ngayon sa nararamdaman kong saya nang dahil sa mga taong nagbibigay sakin ng inspirasyon (yikkeee!!) na may halong kaba kung makakapasa ba ako para sa finals...
Akshwali di pa tapos ang pagsusulit namin.. nagkataon lang na bukas e wala akong exam kaya naman petix mode muna ako sa ngayon.. ipapahinga ko muna ang utak ko na sobrang nagamit netong nakaraan para naman hindi ako mabaliw kakaaral para sa susunod na araw ng finals.. ngayon e nagdadasal ako na sana e pumasa ako sa lahat ng subjects.. dahil pag may naibagsak man ako kahit isa man lang.. sabihin mang may removal exams.. e maiiyak padin ako ng bonggang bongga...
So help me God..
goodluck sa fnals nyo :)
May salamat..
sana pumasa nga kami..
:)
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]