Girl: Labs, diba ako lang ang mahal mo?
Boy: Oo naman labs..tinatanong pa ba yan?
Girl: Hindi mo ako ipagpapalit ha...
Boy: Oo naman..
Girl: Promise?
Boy: Oo.. di kita papalitan.. dadagdagan lang kita..
Girl: Ulol ka! %^$&!@#!
Boy: Ang sweet mo naman.. ulol pa ako.. eto naman.. joke lang
Girl: Wateber!
Boy: Joke lang yon.. pakiss nga
Alam mo yung pakiramdam na alam mo namang wala silang pakialam na nanjan ka.. pero napaparanoid ka na iniinggit ka ng ibang taong nasa paligid mo?..hindi na nahiya, sa tapat pa ng bahay namen naglampungan.. nakakakilig? err.. na at the same time nakakainggit? yak! e kung buhusan ko kaya sila ng mainit na tubig?.. para cool.. parang pusa lang na kapag nairita ka kakaingay nila e papalayasin mo sila gamit nang kumukulong tubig.. meooow meooow... hindi man lang namili nang lugar.. gawin ba namang lampungan center ang tapat ng bahay namen.. raaawrrrrr!!!
PDA? no comment. haha
malambing akong tao eh. sanay ipakita ang pagmamahal kahit sa publiko...
tignan mo nga naman sabi ko no comment pero nagcomment ako. how ironic.. haha
Ferbert..
hindi naman ako against sa pda.. naparanoid lang talga ako nung araw na narinig ko sila.. pakiramdam ko iniingit nila ako.. haha!!..
makabubuti ring subukang maglabas ng camera sa ganiyang mga pagkakataon.
'yung magpapakagarapal ka din sa pagkuha ng larawan/bidyo nila habang sila'y naglalampungan.
...kung hindi pa eepekto ang nabanggit sa itaas ay subukan mo na ang kumukulong langis.
Lethalverses
Ang brutal.. haha!.. kumukulong langis?.. pwede.. pwede.. magandang idea din ang garapalang pagkuha ng video.. :D
neng.. bitter ka lang.:) ganon talaga ang initial reaksyon pag wini-wish mong sana ikaw yung nasa ganong sitwasyon or sana magevaporate na lang yung dalawang magjowawis don bigla hahahaha
canky.is.me
wish ko sana magkajowawers na ako, haha!.. bitter nga siguro ako dahil iniisip ko iniingit nila ako..
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]