About
17.11.08


Pa-utot

hindi ka din mayabang tulad ko no? diba? diba?

so lahat ng babae, pakiramdam mo naman nagkakandarapa sayo.. na kapag everytime na makikipagkilala ka sa kanila e biglang nagiging single ang pangalan nila na parang sa commercial ng smart.. gwapo ka?.. haaaay.. oo na, sige na nga.. noong una kitang nakita nalaglag ang panga ko nang dahil sa taglay mong kagwapuhan.. pinulot ko yung panga ko nang makausap na kita.. ang yabang mo kasi..kaya itinikom ko na lang ang bibig ko.. panga lang ang malalaglag ko nang dahil sayo.. di tulad ng description nila sa kagwpuhan mo.. makalaglag panty.. cheap!.. mayabang ka! mayabang ka! mayabang ka!!!

...

Itago natin siya sa pangalang Mr.Braggy B. Braggington.. mayaman, matangkad, at gwapo.. ewan ko lang kung matalino siya.. pero siguro nga may angking katalinuhan, kasi nga galing siya sa isang university nang mga taong matatalino at mayayaman..

Hindi ko naman pwedeng sabihang feeling gwapo si Mr.Braggington.. e kasi aminado akong gwapo siya, maipagmamayabang nga naman niya na mayaman siya, kasi nga mayaman naman talaga.. ipinagmayabang nga nya kotse nya e.. sana kotse na lang siya noh? ahmm.. matalino?.. pwede din, dahil sa reputasyon nang paaralang pinapasukan niya.. pero nang dahil sa asta niyang.. err.. mahangin.. nagiging bobo siya sa paningin ko.. pasikat?.. OO!!!

Pag sobra talga.. hindi na maganda..

at napikon ako sa kasobrahan ng hangin niya kasama ng kanyang nakakairitang bragging monolouge.. hindi niya ata alam ang tungkol sa pagiging humble... sayang di pa naman ako marunong mamahiya.. di ko akalaing may taong katulad niya..

Kinabagan lang naman ako nang dahil sa hanging dala ni Mr.Braggington..

At iuutot ko lang dito..

mabaho ba?...

Sisihin niyo siya...

Anonymous Anonymous said...

haha,, oo nga naman,, minsan mejo nakakainis na rin ang mga ganung klase ng tao

November 18, 2008 at 1:21 PM  
Blogger Gugol said...

oo na sori na... inaamin ko na, ako si Braggy B. Braggington... wag niyo nang itanong kung ano yung middle name ko kung ayaw niyong masaktan...

pramis, hindi na ako magmamayabang evah... magsasabi na lang ako ng totoo.

gwapo ako. matangkad ako. mayaman ako. matalino ako.

yan ha... walang halong yabang yan...

:D

November 18, 2008 at 7:49 PM  
Blogger pey pilya said...

anonymous..

kung sino ka man.. salamat sayo.. at oo nakakaasar sila minsan.. hehe!

November 18, 2008 at 8:28 PM  
Blogger pey pilya said...

Gugol..

Mr. BBB

tsk! kaw ba talga yan?.. pinagtataka ko din nga kung ano ang middle name mo e.. kaso ayokong masaktan.. kaya di na lang ako magtatanong..

pautot na lang ulet..

poooot!!! haha! lol

November 18, 2008 at 8:30 PM  
Blogger chroneicon said...

tsk.. may mga tao talagang ganyan.. wala yan sa skul, nasa pagkatao yan..

November 20, 2008 at 6:05 AM  
Blogger pey pilya said...

Chroneicon
hmmm.. ganun nga talaga.. nagkalat ang mga taong katulad niya..

November 21, 2008 at 12:48 PM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]


--------------------