About
24.1.09


Dahil sa masamang damo ako..

Nakasakay na ako nang jeep pauwi kasama kaibigan ko; galing kami sa paparty nila saken..mga 9pm na yon at sobrang pagod na talaga ako, kaso kelangan kong maging alive and kicking pagdating nang bahay... hinihintay pa kasi nila ako doon dahil may party pa ulet, late dinner with family naman.. kaya minabuti ko munang umidlip..

Nakaupo ako sa likod nang driver,at puno ang jeep... katapat ko naman yung kaibigan ko.. tahimik ang lahat nang pasahero at walang trapik.. nararamdaman ko na yung antok..

nakayuko lang ako nang maramdaman ko na parang lumayo nang distansya yung katabi ko at bigla akong tinabihan nang isang lalake.. akala ko nga manyak e.. may binulong kasi siya sa akin na di ko naintindihan.. nilingon ko siya, nagkatitigan kami.. bilang nasabi ko nang pasigaw.. "ANO KAMO?!" leche! ang ayaw na ayaw ko e yung malapit ko nang makuha yung tulog ko tapos bigla akong gagambalain! Nampatola!

Hindi nagsalita yung mama, naramdaman ko na lang yung matigas na bagay sa tagiliran ko na idinidiin niya sa akin.. tinignan ko, at biglang bumilis ang tibok nang puso ko nang bigla kong makita ang hawak niya.. tangina! baril pala yon.. sa pagkakatingin ko sa hawak niyang baril bigla niya akong binulungan ulit na huwag akong titingin sa kanya, yumuko lang ako.. ako naman; bigla akong napatingin sa kaibigan ko na nung mga oras na yon e mangiyakngiyak na... sabay yuko..

Narinig ko na lang na yung mga iba naming kasamang pasahero e pinipigilan ang pagiyak, yung holdaper kasi na katabi ko, sinabihan sila na walang maingay kundi babarilin daw ako.. putang ina! bakit ako lang?! narinig ko din yung boses nung kasama niyang holdaper na hinihingi yung cellphones nang mga kasama kong pasahero..

Buti walang nakuha saking valuable things.. tangina; tinutukan na nga nila ako para panakot sa ibang pasahero tapos kukunin pa nila cellphone ko?! ulol!!!

Wala pang isang minuto natapos na sa pagkuha nang cellphone yung isang holdaper.. tapos bigla na lang hininto nung driver yung jeep.. bumaba yung dalawang holdaper at may kasama pa pala silang isa na nakaupo sa harap..

Umiyak yung kaibigan ko dahil sa sobrang takot, ako naman wala ako sa ulirat dahil nga pagod ako, di ko alam kung ano ang irereact..umiiyak din yung iba naming kasama na pashero.. napansin ko na puro babae lang pala kami doon. dumaan muna yung jeep sa malapit na police station para maireklamo ang nangyari... pero mas pinili na lang namin nang kaibigan kong dumiretso nang uwi.. sa dahilang isa ang police station sa mga ayaw kong pinupuntahan..

Dumating ako nang bahay na gising na gising dahil sa pangyayari pero ramdam ko padin talaga ang pagod--ang takot..

First time kong matutukan nang baril kaya natrauma talaga ako..

Nadagdagan ang edad ko.. muntik nang hindi matuloy dahil sa pangyayaring yon..

thank God... im alive..


--------------------

15.1.09


Boo!

Magbebertdey na naman ako.. yey!

Hindi ko alam kung mali ba yung sinagot ko sa tanong nang mga magulang ko tungkol sa birthday ko... dalawa lang naman ang pagpipilian, parang true or false, pula o puti, itlog o manok, sharon or nora, gma o abs...

Pera o party?...

Pera sagot ko.. sa dahilang wala na akong time kung magpapaparty pa ako, busy ako dahil sa battery exams, at malapit na din ang midterms (lul! excuses! haha) marami din ang nagrereklamo kung baket walang party.. kesyo only child ako, dapat bongga.. may 18 roses, may 18 gifts.. choova choo choo.. minsan lang daw sa buhay ang mag-18.. kaya dapat may debut party..

magdedebut na ako, pero di ko man lang feel.. shet! dalaga na daw ako!!! pwede na akong makulong, pwede na akong magkaprofessional driver's license (kotse na lang ang kulang *ubo*) pwede na akong bumoto sa darating na presidential elections, pwede na akong magtrabaho... at pwede na din akong manood nang r-18 films nang hindi guilty dahil menor de edad pa lang...

Humiling nanaman ako, birthday wishlist naman ngayon na alam ko namang hindi matutupad, masyadong marami to put into words, at talagang napakaimposibleng mangyari; pero kahit na.. let's try enumeration.. eto ang lima..

1. Sana naging lalake na lang ako.. para wala nang hinayupak na dysmenorrhea

2. Maging kasing-sexy ako sana si Christine Reyes, kahit naman kasi ako krass ko siya..

3. Wish ko din maging artista at maging kasing sikat ni Marian Rivera lol!

4. At syempre, gusto ko din nang leading man na kasing katawan ni Dingdong.. i repeat.. kasing katawan lang..

5. Gusto kong maging ibon para makalipad.. para makapunta ako sa iba't ibang bansa at pwede akong magmigrate doon kahit walang papers.. migratory bird ba..

Alam kong kelangan ko nang himala para sa mga imposibleng hiling ko na 'to.. pag humiling naman kasi ako, hindi nagkakatotoo.. kaya puro unrealistic na lang...

Wala pa akong plano sa kaarawan ko.. sa dahilang, hindi naman talaga ako nagcecelbrate nang birthday.. pero sabi nga nila, dapat icelebrate ko kasi 18 na ako.. pero pag wala akong maisip, magisa akong magcecelebrate, bibili nang cake at gusto ko ako lang ang uubos.. walang diet diet... that's it! a birthday celebration..


--------------------

11.1.09


Pressure

Hindi na ako beybi hanuba!!!

Mahirap ang maging only child.. lalong lalo na kung ikaw yung tipong hindi spoiled.. yung bang hindi ka sunod sa layaw, pero dapat ang layaw nang mga magulang mo ang sinusunod mo..

Napepressure kasi ako...

May utak naman ako, kaso nagkulang ata ako sa isip nang dahil sa kakasunod sa kagustuhan nang mga magulang ko.. pagkakaalam ko tungkol sa mga only child e iba ang katauhan na pinapakita sa harap nang mga magulang nila sa katauhang nakikita nang ibang tao.. kaso hindi applicable sakin ito, kahit papaano maayos naman akong pinalaki nang mga magulang ko.. pero tao din naman sila.. may mga pagkakamali.. pinapakinggan din naman nila ako.. pero kahit na anong paliwanag ang gawin ko, para kahit papaano e masunod naman sana kahit konti ang kagustuhan ko.. sila padin ang masusunod... sila ang batas, sila ang nagpapakain sakin, sila ang nagpapaaral.. bawal akong pumalag.. tapos...

Mas mahirap sa sitwasyon ko.. kasi unica hija ako, sandamakmak na rules and regulations ang parang nakasulat sa inbisibol na papel ang dapat sundin at kasama na don syempre ang pagtulong sa mga gawaing bahay, kahit na panlalake pa ito.. lahat naman ata nang magulang gusto nila nang lalakeng anak para may magdala nang apilyedo nang pamilya nila at para na din may katulong ang mga tatay sa mga gawaing bahay na panalake.., kaya naman sa bahay, bawal akong maging maarte, pag kinailangan nang tatay ko nang tulong sa pagbubuhat nang mabibigat na bagay, pagpipintura, pagaayos nang electrical wiring, dapat game ako.. at as usual hindi din mawawala ang paghuhugas nang pinggan, paglinis nang bahay, pagbantay nang tindahan namin, paglalaba, pagrocery, at kung ano ano pang utos na nagpapapantig nang tenga ko sa sobrang dami..

Masarap ang maging only child kahit papaano, hindi ka makakaranas nang favoritism, walang kakumpitensya, walang kaagaw sa remote at computer, at pag inatake ako nang pagiging "bilmoko" e paminsan minsan umeepekto ang pagiging best actress ko sa tatay ko.. basta ba dapat kong sundin ang pinakaimportanteng batas na gawa nang magulang ko para sa akin.. at yun ay ang bawal ang magboypren.. pero sus, mas kinikilig pa yung nanay ko pag nalalaman niyang may nanliligaw sa akin.. ang gulo no? bawal din akong gabihin sa paguwi, dapat nasa bahay na ako nang 10pm.. bawal ang lakwatsa, at kung may pupuntahan mang lugar maliban sa school, dapat sabihin kung saan yon, ano ang gagawin ko don, sino ang mga kasama etc...ang higpit!!! kesyo daw baka may mangyari saking masama, at mapahamak daw ang beybi nila.. concern lang sila.. fine..

Marami ang naiinggit sa pagiging only child ko, sa pagaakala nilang maraming benefits ang maging katulad ko.. pero believe me, masaya nga pero nakakapressure.. dapat sumunod ka sa utos nila, tulad na lang ngayon.. pinagaaral nila ako para sa battery exams namen na magaganap sa Feb.1.. matagal pa yon, pero dapat daw ay nagaaral na ako ngayon.. bawal daw muna ang umalis nang bahay at gumamit nang computer, pero syempre paminsan minsan pinapairal ko din ang kasabihang "masarap ang bawal".. kaya eto ako ngayon, kasama nang mga props kong libro dito sa kwarto ko, nakaharap ako ngayon sa computer, napuplurk, nagbo-bloghop, at nakikipagchat--nagaaral-aralan

Nakakapressure kasi pilit ka nilang ikukulong sa katauhan nang isang bata na sumusunod sa utos nila.. nakakairita minsan.. pero ganon talaga.. ayoko naman kasing isipin nila na nagiisa na nga lang ako, e failure pa ang pagpapalaki nila sa akin.. kaya kahit na mahirap, kelangan kong sumunod.. sumunod.. at sumunod...


--------------------

8.1.09


Kamustahan

Kamusta?

walang lilipas na isang linggo na walang taong magtatanong sa akin nyan.. mapa-personal o sa text, o kaya sa chat... ako naman sasagot na "eto maganda padin naman".. walang kupas, yan at yan naman talaga ang nangyayari.. maganda padin naman talaga ako kahit na anong gawin ko, kaso kelangan na nang konting effort kasi minsan nagmumukha na akong haggard sa mga pinaggagawa ko.. i hate school.. kaso anong magagawa ko? yun lang ang pwede kong magawa para naman malibang ko ang sarili ko.. ang magaral.. yun lang ang tanging paraan kung saan ko pwedeng sayangin ang kasipagan ko..

Kamusta ang skul?... istrespul..

Kamusta ang lablayp?... wala.. olats.. zero..

Kamusta ang pamilya?.. mahirap magpalaki nang magulang..

Kamusta ang social layp?... kahit papaano buhay pa

Kamusta ka naman?.. eto maganda padin naman..

Natapos na ang bakasyon, ang magulong pasko, at ang maingay na bagong taon... ni wala man lang kahit isa sa mga hiling ko nung pasko ang natupad.. hindi na din ako gumawa nang new year's resolution ko, alam ko naman kasing walang magagawa kung maglilista man ako.. pangatlong taon ko na ito na hindi gumagawa nang goals para sa taon na lilipas.. mas ok pa na magpasalamat na lang ako sa mga nangyari at natutunan ko nung nakalipas na taon at isipin ang mga pwedeng mangyari sa hinaharap..

tulad nang.. madadagdagan nanaman ang edad ko etong taon, matututo ako nang mga bagong kaalaman na hindi tinututro sa paaralan, magkakaroon nang bagong kakilala, magkakalablayp na (sana), magpapaka-mature na akong magisip (siguro), magpapaka-busy pa lalo, magpapaganda pa lalo, tatanggalin na ang habit nang pagkain pag problemado(wish ko lang) etc...

yan.. yan lang naman ang mga naiisip ko sa ngayon.. at alam ko dadami pa..

Ikaw? kamusta ka?


--------------------