About
24.1.09


Dahil sa masamang damo ako..

Nakasakay na ako nang jeep pauwi kasama kaibigan ko; galing kami sa paparty nila saken..mga 9pm na yon at sobrang pagod na talaga ako, kaso kelangan kong maging alive and kicking pagdating nang bahay... hinihintay pa kasi nila ako doon dahil may party pa ulet, late dinner with family naman.. kaya minabuti ko munang umidlip..

Nakaupo ako sa likod nang driver,at puno ang jeep... katapat ko naman yung kaibigan ko.. tahimik ang lahat nang pasahero at walang trapik.. nararamdaman ko na yung antok..

nakayuko lang ako nang maramdaman ko na parang lumayo nang distansya yung katabi ko at bigla akong tinabihan nang isang lalake.. akala ko nga manyak e.. may binulong kasi siya sa akin na di ko naintindihan.. nilingon ko siya, nagkatitigan kami.. bilang nasabi ko nang pasigaw.. "ANO KAMO?!" leche! ang ayaw na ayaw ko e yung malapit ko nang makuha yung tulog ko tapos bigla akong gagambalain! Nampatola!

Hindi nagsalita yung mama, naramdaman ko na lang yung matigas na bagay sa tagiliran ko na idinidiin niya sa akin.. tinignan ko, at biglang bumilis ang tibok nang puso ko nang bigla kong makita ang hawak niya.. tangina! baril pala yon.. sa pagkakatingin ko sa hawak niyang baril bigla niya akong binulungan ulit na huwag akong titingin sa kanya, yumuko lang ako.. ako naman; bigla akong napatingin sa kaibigan ko na nung mga oras na yon e mangiyakngiyak na... sabay yuko..

Narinig ko na lang na yung mga iba naming kasamang pasahero e pinipigilan ang pagiyak, yung holdaper kasi na katabi ko, sinabihan sila na walang maingay kundi babarilin daw ako.. putang ina! bakit ako lang?! narinig ko din yung boses nung kasama niyang holdaper na hinihingi yung cellphones nang mga kasama kong pasahero..

Buti walang nakuha saking valuable things.. tangina; tinutukan na nga nila ako para panakot sa ibang pasahero tapos kukunin pa nila cellphone ko?! ulol!!!

Wala pang isang minuto natapos na sa pagkuha nang cellphone yung isang holdaper.. tapos bigla na lang hininto nung driver yung jeep.. bumaba yung dalawang holdaper at may kasama pa pala silang isa na nakaupo sa harap..

Umiyak yung kaibigan ko dahil sa sobrang takot, ako naman wala ako sa ulirat dahil nga pagod ako, di ko alam kung ano ang irereact..umiiyak din yung iba naming kasama na pashero.. napansin ko na puro babae lang pala kami doon. dumaan muna yung jeep sa malapit na police station para maireklamo ang nangyari... pero mas pinili na lang namin nang kaibigan kong dumiretso nang uwi.. sa dahilang isa ang police station sa mga ayaw kong pinupuntahan..

Dumating ako nang bahay na gising na gising dahil sa pangyayari pero ramdam ko padin talaga ang pagod--ang takot..

First time kong matutukan nang baril kaya natrauma talaga ako..

Nadagdagan ang edad ko.. muntik nang hindi matuloy dahil sa pangyayaring yon..

thank God... im alive..

Blogger peevee said...

Happy bertdey ulet!

ahihihi! buti walang nangyaring masama sayo o kayang nakuhang valuable na gamit. garabe naman yang birthday experience mo.. well, lagi talagang may first time for everything.. :)

January 24, 2009 at 4:38 PM  
Anonymous Anonymous said...

tsktsk!

magpasundo ka sakin minsan.. mahirap na yan..

*hug*

January 24, 2009 at 10:49 PM  
Blogger pey pilya said...

Peeveeeeeeeee!

ang dami mong letter e! haha! salamat sayo! :)

January 25, 2009 at 8:48 AM  
Blogger pey pilya said...

FerBert..

E pano yan? e busy ka na ngayon diba?.. may trabaho na! nice! haha! hindi ka na bum.. congrats.. :)

January 25, 2009 at 8:49 AM  
Anonymous Anonymous said...

Tss... ayop talaga yang mga hinayupak na taong yan! pinaghihirapan ng iba, kinukuha nila...

yung bespren ko, ilang beses na naganyan. minsan nga sa taxi, pinaikot-ikot sila sa maynila. buti hindi sila nireyp o ano. pfft...

putangina talaga. makapangholdap ng ng holdaper para maramdaman nila yung nararamdaman ng mga biktima nila. grr...

January 25, 2009 at 11:11 AM  
Blogger pey pilya said...

Gugol

Sama ako sayo sa panghoholdap mo nang holdaper! hahaha! buti nga walang nakuha saking kahit ano e.. natrauma lang talaga ako. tangina nila!

January 25, 2009 at 11:43 AM  
Blogger RJ said...

buti na lang sa tanang commuter life ko eh hindi pa ko naholdap mismo, yung katabi ko lang na may hawak ng 5110 ang nakuhanan.

di na kasi natin alam kung pano magiingat. kahit san magpunta eh may mga siraulo.

January 25, 2009 at 4:58 PM  
Blogger pey pilya said...

Kuya Rj..

grabe naman yun.. 5110 na yun ha! pinatos pa! hahahaha!..

ang hirap na talaga nang buhay.. tsktsk!

January 25, 2009 at 5:16 PM  
Anonymous Anonymous said...

Puke yan! Ano ba naman tong pangyayare na to oo, nakakabahala.

Sa susunod wag kang masyadong magaslaw, di lahat ng holdaper eh kalmado. Mabuti na lang at ganito ang nangyare, di na rin masama kung tutuusin.

Magpakabait ka ha? Belated happy birthday nga pala! xoxo! Mwuah!

January 30, 2009 at 12:38 AM  
Anonymous Anonymous said...

ay!lintik talaga mga nilalang na gaya nila,dapat binabalatan ng buhay ang mga ganung tao eh.. Buti na lang hindi ko pa naranasan ang ganyang eksena,medyo may kapayapaan pa kasi dito sa lugar namin..

keylangan mo mag-ingat ng husto..

Newbie lng aq sa blog world kaya kung saan saan ako napapadpad..
Kung my time ka silip ka naman sa blog ko,.

February 3, 2009 at 11:42 AM  
Blogger pey pilya said...

M

..nagpapakabait na ako haha!tsaka mabait naman ako ha?! salamat sa pabati its better late than later.. :D

xoxo din,,

February 5, 2009 at 8:16 PM  
Blogger pey pilya said...

Lez™

ingat ka din, baka mangyari sayo.. welcome sa magulong blogosphere.. :) buti napadpad ka dito..

February 5, 2009 at 8:17 PM  
Blogger Elace said...

Grabe buti hindi kayo ginalaw! At least naexperience mo at buhay ka pa. :)

April 27, 2011 at 11:34 AM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]


--------------------