About
15.1.09


Boo!

Magbebertdey na naman ako.. yey!

Hindi ko alam kung mali ba yung sinagot ko sa tanong nang mga magulang ko tungkol sa birthday ko... dalawa lang naman ang pagpipilian, parang true or false, pula o puti, itlog o manok, sharon or nora, gma o abs...

Pera o party?...

Pera sagot ko.. sa dahilang wala na akong time kung magpapaparty pa ako, busy ako dahil sa battery exams, at malapit na din ang midterms (lul! excuses! haha) marami din ang nagrereklamo kung baket walang party.. kesyo only child ako, dapat bongga.. may 18 roses, may 18 gifts.. choova choo choo.. minsan lang daw sa buhay ang mag-18.. kaya dapat may debut party..

magdedebut na ako, pero di ko man lang feel.. shet! dalaga na daw ako!!! pwede na akong makulong, pwede na akong magkaprofessional driver's license (kotse na lang ang kulang *ubo*) pwede na akong bumoto sa darating na presidential elections, pwede na akong magtrabaho... at pwede na din akong manood nang r-18 films nang hindi guilty dahil menor de edad pa lang...

Humiling nanaman ako, birthday wishlist naman ngayon na alam ko namang hindi matutupad, masyadong marami to put into words, at talagang napakaimposibleng mangyari; pero kahit na.. let's try enumeration.. eto ang lima..

1. Sana naging lalake na lang ako.. para wala nang hinayupak na dysmenorrhea

2. Maging kasing-sexy ako sana si Christine Reyes, kahit naman kasi ako krass ko siya..

3. Wish ko din maging artista at maging kasing sikat ni Marian Rivera lol!

4. At syempre, gusto ko din nang leading man na kasing katawan ni Dingdong.. i repeat.. kasing katawan lang..

5. Gusto kong maging ibon para makalipad.. para makapunta ako sa iba't ibang bansa at pwede akong magmigrate doon kahit walang papers.. migratory bird ba..

Alam kong kelangan ko nang himala para sa mga imposibleng hiling ko na 'to.. pag humiling naman kasi ako, hindi nagkakatotoo.. kaya puro unrealistic na lang...

Wala pa akong plano sa kaarawan ko.. sa dahilang, hindi naman talaga ako nagcecelbrate nang birthday.. pero sabi nga nila, dapat icelebrate ko kasi 18 na ako.. pero pag wala akong maisip, magisa akong magcecelebrate, bibili nang cake at gusto ko ako lang ang uubos.. walang diet diet... that's it! a birthday celebration..

Blogger peevee said...

pareho tayo! nung nag-18 ako di ko din sya feel

anyway. hapey bertdey sayo in advance. kung kelan man yang bertdey mo. at tama lang na perahin. kasi gastots lang yan ahahaha!

January 18, 2009 at 6:48 PM  
Anonymous Anonymous said...

1. Sana naging lalake na lang ako.. para wala nang hinayupak na dysmenorrhea

OO NGA, PERO TUTULIIN KA NAMAN..

2. Maging kasing-sexy ako sana si Christine Reyes, kahit naman kasi ako krass ko siya..

SIGURADO KA BA?

3. Wish ko din maging artista at maging kasing sikat ni Marian Rivera lol!

AT SASABIHAN NI KARYLL NA BUNTIS KA.

4. At syempre, gusto ko din nang leading man na kasing katawan ni Dingdong.. i repeat.. kasing katawan lang..

SUPORTAHAN KITA DYAN, NAKITA KO SI DINGDONG SA PERSONAL, TAMA LANG NA KATAWAN LANG ANG GUSTOHIN MO SA KANYA...

5. Gusto kong maging ibon para makalipad.. para makapunta ako sa iba't ibang bansa at pwede akong magmigrate doon kahit walang papers.. migratory bird ba..

TITIRADORIN KA! OR SUSUNUGIN KA KASI IKAW ANG MAGDADALA NG BIRD FLU VIRUS

January 19, 2009 at 5:46 AM  
Blogger pey pilya said...

peeveee!

tama ka! magastots nga! haha!

salamat! :D

January 19, 2009 at 7:07 PM  
Blogger pey pilya said...

Elyong..
ayaw mo naman atang matupad kahit isa man lang sa mga hiling ko hano? haha!..

January 19, 2009 at 7:08 PM  
Blogger okaonis said...

meron ako. gusto mo ng pakapak? meron ako. pakpak ng paru-paro. :D

Happy Birthday!
Advanced pala...

January 20, 2009 at 4:04 PM  
Blogger pey pilya said...

The_Light's_Herald

pakpak nang paru-paro? mkakarating kaya ako nang ibang bansa gamit nyan? hahahaha!.

Sige.. ipadala mo sa akin yan bilang regalo.. Salamat sa pabati..:D

January 20, 2009 at 6:31 PM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]


--------------------