About
9.12.08


Hello Kitty

Hindi lahat nang batang may dalang bag pumupunta sa school, yung iba naglalakwatsa lang...

Kilala mo ba si Dora the explorer?

Humiling kasi yung inaanak ko nang stuff toy na dora the explorer para sa krismas kaya naalala ko yung mga jokes tungkol sa cartoon character na 'to.. dahil nga napakademanding nang inaanak kong yon e humirit pa na gusto din niya nang stuff toy na boots... yung alagang unggoy ni dora... sa dinamidami ba naman kasi nang pwedeng alagang hayop, unggoy pa.. at hindi lang unggoy, may mga sumusunod pa sa kanyang tatlo pang hayop tuwing magagawa niya kasama nang alaga niyang si boots ang mga quest... ang pagkakaalala ko palaka, grasshopper, tska snail yun e.. basta sila yung parang banda na nakikisayaw sa kanila habang kinakanta yung "we did it! we did it!.." na parang mga sira ulo lang...

At di halatang nanonood ako nito diba?!.. kasi ba naman di ako pwedeng magreyna reynahan ng tv pag nanonood nito yung mga pamangkin ko, lagi lagi nilang pinapanood 'to ang masaklap.. paulit ulit pa kaya memorize ko na yung mga ibang episodes pati syempre yung mga kanta.. malapit ko nang maging kamukha si dora.. pakingshet! kaya minsan naiirita na akong panoodin ito... pero may aliw padin namang hatid ang negrang batang ito sa akin.. maliban sa natututo ako nang espanyol... e nagagawa niyang basahin ang utak ko... ang galing!

Dora: What's your favorite part of the trip?
Pey: ....
Dora: I like that too...

Isipin mo na lang.. lahat nang tao may bag pack na violet na aside sa nagsasalita ito, e marami pang laman... edi sana pag may problema ako, yung bag pack na lang yung kakausapin ko, tapos sa kanya ko na din kukunin yung pwede kong pangsolusyon sa problema... diba? astig!

Nasabi ko na bang hindi ako gaano ka-street smart?.. ngayon alam mo na.. kung naging pusa ako at gusto mo akong iabandona di mo na kailangang ilayo ako para di na ako bumalik sa bahay niyo, ilabas mo lang ako nang gate, ok na... kaya tiwala sakin mga magulang ko na di ako lakwatsera e.. minsan hinihiling ko kasi na sana meron din akong map katulad nung kay dora, nagsasalita pa.. galing diba? oo nga... kasi cartoons, pero paano kung sa totoong buhay meron nito? panigurado ang saya nun... nagsasalitang mapa?! awesome!

Sana kasing dali lang nang buhay natin ang buhay ni dora, na para mapigilan natin ang bawat taong magiging sagabal sa mga pangarap natin e pwede nating sabihin ang "swiper no swiping!"... na kapag nangangailangan tayo nang isang bagay, nanjan si bag pack to the rescue... na kapag nawawala ka sa landas na iyong tinatahak, may mapa ka na wala nang ibang kanta kundi "im the map.. im the map.. im the map...." ilan kayang "im the map" ang sinabi nang mapang yun sa kanta niya?...

Pero in the end, kahit na ilang Swiper the fox ang maingkwentro natin sa buhay, e magagawa at magagawa din naman natin ang lahat nang mga quest na parang kay dora, basta may tiyaga... at sa huli, mapapakanta din tayo nang "we did it! we did it! hooray!"

Sus... choosy pa yung inaanak ko, e meron na akong nabiling regalo para sa kanya... eto na lang para kikay.. ahihihi!

Anonymous Anonymous said...

kung bata ka nakakataas yan ng IQ pero kung matanda ka na dyosko nakakabobo kaya yan.. hahaha

December 9, 2008 at 10:31 AM  
Blogger pey pilya said...

Ferbert

i therefore conclude na tumataas ang IQ ko.. ahahaha!.. :D

December 9, 2008 at 1:04 PM  
Blogger MysLykeMeeh said...

Dora--it's my niece favourite show! Sometimes, paulit-ulit ung episodes nila!

Kaya memooryao pati Spanish!

December 13, 2008 at 10:25 AM  
Blogger pey pilya said...

Mys Lyke Meeh

patunay na maraming bata ang natutuwa sa kanya.. :D

December 16, 2008 at 8:56 AM  
Blogger mAyKeE said...

hello...binabasa mo pla blog ko..hehehe...salamat..

upepp ka rin ba?

December 21, 2008 at 8:31 PM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]


--------------------