About
21.2.09


Bee



Parang first time kong makahawak nang computer.. wala lang pakiramdam ko ang tagal ko na kasing hindi nagko-computer.. Kung bakit ba kasi ang galing galing nang mga profs namen at ang dami nilang pinapagawa, ngayon ko masasabi na ang sarap talaga maging abala..

Babalik ako... kapag nagsawa na yung mga profs namen sa kakapagawa nang mga requirements kuno...


--------------------

3.2.09


Dear Cupid

Bulaklak na malalanta din naman
Tsokolate na mga pinsan ko ang uubos
Cards na uhhm.. uso pa ba ang cards?
Cake na hugis puso pero hindi ko naman makakain dahil diet ako
Pagbanggit nang "i love you" na sobrang gasgas na sa pangdinig

*isang malalim na buntong hininga*
Pebrero na pala..

Bigla ko lang naalala yung mga bagay na usually na natatanggap tuwing valentines.. magtataasan nanaman panigurado ang halaga nang mga nabanggit ko maliban lang sa panghuli..

Munting mensahe ko lang sa diyos nang pag-ibig.. Hiling ko lang na sa araw na tinakda para sa mga labers e hindi sana ako mainggit sa kanila.. alam mo na ang ibig kong sabihin.. :D

Nagmamahal..

Pey


--------------------