Hindi na ako beybi hanuba!!!
Mahirap ang maging only child.. lalong lalo na kung ikaw yung tipong hindi spoiled.. yung bang hindi ka sunod sa layaw, pero dapat ang layaw nang mga magulang mo ang sinusunod mo..
Napepressure kasi ako...
May utak naman ako, kaso nagkulang ata ako sa isip nang dahil sa kakasunod sa kagustuhan nang mga magulang ko.. pagkakaalam ko tungkol sa mga only child e iba ang katauhan na pinapakita sa harap nang mga magulang nila sa katauhang nakikita nang ibang tao.. kaso hindi applicable sakin ito, kahit papaano maayos naman akong pinalaki nang mga magulang ko.. pero tao din naman sila.. may mga pagkakamali.. pinapakinggan din naman nila ako.. pero kahit na anong paliwanag ang gawin ko, para kahit papaano e masunod naman sana kahit konti ang kagustuhan ko.. sila padin ang masusunod... sila ang batas, sila ang nagpapakain sakin, sila ang nagpapaaral.. bawal akong pumalag.. tapos...
Mas mahirap sa sitwasyon ko.. kasi unica hija ako, sandamakmak na rules and regulations ang parang nakasulat sa inbisibol na papel ang dapat sundin at kasama na don syempre ang pagtulong sa mga gawaing bahay, kahit na panlalake pa ito.. lahat naman ata nang magulang gusto nila nang lalakeng anak para may magdala nang apilyedo nang pamilya nila at para na din may katulong ang mga tatay sa mga gawaing bahay na panalake.., kaya naman sa bahay, bawal akong maging maarte, pag kinailangan nang tatay ko nang tulong sa pagbubuhat nang mabibigat na bagay, pagpipintura, pagaayos nang electrical wiring, dapat game ako.. at as usual hindi din mawawala ang paghuhugas nang pinggan, paglinis nang bahay, pagbantay nang tindahan namin, paglalaba, pagrocery, at kung ano ano pang utos na nagpapapantig nang tenga ko sa sobrang dami..
Masarap ang maging only child kahit papaano, hindi ka makakaranas nang favoritism, walang kakumpitensya, walang kaagaw sa remote at computer, at pag inatake ako nang pagiging "bilmoko" e paminsan minsan umeepekto ang pagiging best actress ko sa tatay ko.. basta ba dapat kong sundin ang pinakaimportanteng batas na gawa nang magulang ko para sa akin.. at yun ay ang bawal ang magboypren.. pero sus, mas kinikilig pa yung nanay ko pag nalalaman niyang may nanliligaw sa akin.. ang gulo no? bawal din akong gabihin sa paguwi, dapat nasa bahay na ako nang 10pm.. bawal ang lakwatsa, at kung may pupuntahan mang lugar maliban sa school, dapat sabihin kung saan yon, ano ang gagawin ko don, sino ang mga kasama etc...ang higpit!!! kesyo daw baka may mangyari saking masama, at mapahamak daw ang beybi nila.. concern lang sila.. fine..
Marami ang naiinggit sa pagiging only child ko, sa pagaakala nilang maraming benefits ang maging katulad ko.. pero believe me, masaya nga pero nakakapressure.. dapat sumunod ka sa utos nila, tulad na lang ngayon.. pinagaaral nila ako para sa battery exams namen na magaganap sa Feb.1.. matagal pa yon, pero dapat daw ay nagaaral na ako ngayon.. bawal daw muna ang umalis nang bahay at gumamit nang computer, pero syempre paminsan minsan pinapairal ko din ang kasabihang "masarap ang bawal".. kaya eto ako ngayon, kasama nang mga props kong libro dito sa kwarto ko, nakaharap ako ngayon sa computer, napuplurk, nagbo-bloghop, at nakikipagchat--nagaaral-aralan
Nakakapressure kasi pilit ka nilang ikukulong sa katauhan nang isang bata na sumusunod sa utos nila.. nakakairita minsan.. pero ganon talaga.. ayoko naman kasing isipin nila na nagiisa na nga lang ako, e failure pa ang pagpapalaki nila sa akin.. kaya kahit na mahirap, kelangan kong sumunod.. sumunod.. at sumunod...