Hawak ko ang iniinom kong Mcfloat sa isang kamay at sa kabila naman e ang plastik nang tinake-out kong dalawang large fries habang naghihintay nang masasakyang pauwi sa may Commonwealth..
Noon na lang ulit ako napadpad sa lugar na yon, bumisita lang naman ako nang isang kaibigan na malapit ang bahay sa may Ever kaya napunta ako doon.. ilang minuto pa ang nakalipas nang paghihintay nang masasakyan, may isang gusgusing bata ang lumapit sa akin, akala ko manlilimos o kaya hihingi nang dala kong pagkain, nang biglang hinablot yung hawak kong plastik.. pooft!.. wala na yung fries ko :(
Gutom ako nang panahong yon, bakit?.. di kasi ako pinakain sa bahay nung pinuntahan ko, pagkalaki laking bahay puro juice lang ang meron.. hindi naman ganon kakapal ang mukha ko para magrequest nang pagkain... kaya nagtake-out ako nang makakain sa Mcdo nang pauwi na ako, malay ko bang may mga batang nagkalat na nangaagaw nang pagkain doon..
Tinangka kong habulin yung bata, makakutos lang ako sana, ok na, tapos papagalitan ko.. gutom kaya ako!.. pero nakaramdam ako nang awa, kaya pinabayaan ko na lang siyang tumakbo palayo tangan ang fries ko :(
Binusog ko na lang sarili ko sa Mcfloat, binalak kong bumili sana kaso ayoko nang gumastos ulit, tsaka dalawang large fries yun, sana na lang pala isang large fries na lang yung binili ko kung ganun lang din naman ang mangyayari (yan! katakawan kasi! hahahaha!)
Mamimigay naman ako kung manghihingi siya, mukha ba akong madamot?.. hindi naman ha!
Alam ko ang pakiramdam nang gutom, isang meal lang ang ma-miss ko sa isang araw gugutumin na ako, pero maswerte padin ako kung tutuusin, pwede akong kumain kahit anong oras ko gusto, paano pa kay yung batang umagaw nang fries ko?.. iba na talaga ang naidudulot nang kahirapan, yung iba sumisinghot nang rugby para hindi nila maramdaman ang kalam ng tyan..
Umuwi ako na mejo busog dahil sa float, iniisip ko na lang na tinulungan ako nung batang yon na magdiet, pampalubag loob sa sarili ko.. sana nabusog siya sa fries... mas ok na yun, kesa maging rugby boy siya.. kawawa naman...
yung isang kaibigan ko sinusubo na yung babana ue bigla pang hinablot ng mga batang palaboy.. tsk
mga magulang kase anak ng anak hindi naman pala mapapakain
Ferbert
Oo nga, kawawa yung mga bata.. sila ang nagsusuffer nang dahil sa mga magulang na pabaya at wala nang ibang inisip kundi ang pagsatisfy nila muna sa pleasure... tsk!
sayang naman yung fries mo! sana binigay mo na lang sakin. Joke! hehehe. Anyway, panalangin mo nalang na sana mabusog yung batang kumuha ng 2 large fries mo. Next time ingat na lang ng konti ^^
hay cokefloat..fave... musta na??
naks ang bait ah! pero nakakasama nga ng loob lalo na pag sobrang gutom ka na :|
Bino
Wag kang magalala, manghingi ka lang, mamimigay naman ako.. hehe!
yun nga ang panalangin ko.. sana nabusog siya sa fries.. ^^
Lunes..
aleli!.. :) ok naman ako..
ako naman yung green apple float.. yun lang naman ang inoorder ko sa mcdo e.. float and fries.. :D
Canky.is.me
Ayos lang.. nabusog naman ako sa float kahit papaano e.. :D
hmm. buti hinayaan mo nalang yung bata.
at least, nakatulong ka sakanya. :)
at hindi valuable thing ang nakuha niya sayo. :)
next time, ingat ka na ha? :)
musicnoteslovestar
buti nga pat, at yun lang nakuha sakin,,, :) alangan namang makipaghabulan pa ako dun sa bata, haha! magiingat na ako next time.. :D
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]