Minsan kelangan nating matutong maging magisa... kaya kung ako sayo, yung ibang mga problema mo.. hanggang kaya mong isarili muna.. e isarili mo.. ikaw muna ang gumawa nang paraan para masolusyunan yan, pag hindi mo na talaga kaya.. tsaka ka na lumapit sa iba...
-text sakin ng mahadera kong kaibigan....
may pagkakataong sumasangayon ako sa sinabi niya.. totoo naman e.. kelangan masanay tayo minsang maging magisa.. may mga panahon kasing sarili lang natin talaga ang makakatulong sa mga problema natin.. mahirap oo... pero makakatulong naman satin yun para lalo tayong maging matatag...
para in case na magkaproblema ka.. at wala kang mahingian nang tulong.. e nasanay mo na ang sarili mo na kaharapin ang mga pasakit nang mundo.. ang hirap kasing maging dependent tayo sa iba.. paano kung wala sila?.. mas mahihirapan nga naman ako panigurado.. dahil nasanay na akong nanjan sila para tumulong.. hindi naman kasi sa lahat nang pagkakataon.. ok lang silang gambalain.. dahil kahit naman ang iba, may sari-sarili ding problema..