About
21.11.08


Joy

ako ang nautusan..

nanaman..

syempre pag ikaw ang pinakabata, at kung may kakayahan kang gawin ang utos.. sayo ipapagawa..

ok lang..

di naman ako mareklamo, kahit na hindi ko bagay gawin ang inutos.. kembot lang,

hindi naman ako ang pinakabata sa bahay nung araw na yon, nagkataon lang na ang sumunod sa akin e isang batang lalake na may walong taong gulang, kaya ako ang inutusan; busy sa kakalaro ang cute na cute kong pamangkin na si Kyle, kaya inutusan ko muna na bumili nang kakailanganin ko...

Pey: Kyle, ibili mo nga si tita ng joy..
Kyle:Tita?.. pero diba, we cannot buy joy?
Pey: ...???...

Kung lahat ng bagay ay may katumbas na halaga.. bibili ako nang kasiyahan; kasiyahan sa lahat ng aspeto, sa pamilya, kaibigan at pagibig.. kasiyahan na panglinis nang problema.. kaso nga lang, sabi nga nang bibong bibo kong pamangkin... we cannot buy joy.. naloko na, tama nga naman ang pamangkin ko... sana lang talaga.. nabibili ang kasiyahan.. pero iba ang pagkakaintindi ni Kyle sa utos ko,, kaya naman pinaliwanag ko sa kanya kung ano yung pinapabili ko, nang maintindihan niya, hindi ko na siya mautusan.. tinawag na kasi siya nang pinsan ko para gumawa ng assignments niya.. kaya ako na lang ang bumili ng joy.. at naghugas ng pinggan na pinagkainan...

Blogger Gugol said...

Panalo talaga sa pagkawais ang mga bata. Pero habang patanda nang patanda, patanga nang patanga. Siguro dala na rin ng talamak na porno.

Pero between being wise and having intense libido, i'd choose the latter. Andun yung JOY e. Masakit nga lang sa puson. Hehe...

November 21, 2008 at 8:13 PM  
Blogger pey pilya said...

kung ganon.. sana lang huwag maadik ang pamangkin ko sa porno pagtanda niya..

mahirap nang maging tanga siya..

at ibang JOY pala ang hanap mo ha? tsk tsk!.. hehehe!

November 22, 2008 at 1:19 PM  
Anonymous Anonymous said...

aba...aba...pilosopo ang pamangkin, manang-mana sa tita...PILYA!

Popcorns and Opinions|Extra Bytes

November 22, 2008 at 3:54 PM  
Blogger pey pilya said...

Byter..

oo nga.. namana nga niya ata sakin ang pagiging pilosopo at pagiging pilya..

November 23, 2008 at 6:42 PM  
Blogger canky.is.me said...

ang seryoso ng pamangkin mo! parang gusto kong mag-fade don sa sinagot niya ahaha. pero true enuf. kung nabibili lang ang kasiyahan ng patingi-tingi lang hahaha. mahirap din kasi pag sobrang saya! nakakatakot yung kasunod.:D

November 24, 2008 at 9:57 AM  
Blogger pey pilya said...

Canky.is.me

pakiramdam ko nga, pinilosopo lang ako nun para di ko siya mautusan e.. hahaha!.. tsk! mga bata nga naman talaga..

November 24, 2008 at 12:26 PM  
Anonymous Anonymous said...

ibang iba na ang henerasyon ng kabataan ngayon, pero totoo naman nga ung sinabi nya. matalinong bata yan. iwasan nyong mabagok! hahaha

November 24, 2008 at 4:42 PM  
Blogger superboi said...

hahah!! panalo... but we cannot buy joy. :)


ako din pinakabata dito pero di nila ako mautusan... ako boss eh wahhaa

November 25, 2008 at 3:20 AM  
Blogger pey pilya said...

Vera

Wag nga sana mabagok utak nang pamangkin ko.. hahaha! sayang kung magkataon... kakaiba kasi humirit yon e..

November 25, 2008 at 9:13 AM  
Blogger pey pilya said...

Superboi

Nakakainggit... gusto ko din maging boss dito sa bahay. hahaha! :)

November 25, 2008 at 9:14 AM  
Anonymous Anonymous said...

next time axion ang iutos mong bilhin niya.

November 25, 2008 at 9:36 PM  
Blogger pey pilya said...

Doc Mnel

hmm.. o kaya surf, o mr.clean.. :D

November 25, 2008 at 9:48 PM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]


--------------------