About
4.12.08


Hulaan mo!

Nakwento ko na minsan si Mr.Braggington dito...

Kamusta na siya?.. mahangin padin naman.. walang pinagbago, ganun padin ang kanyang bagyo.. at habang tumatagal, nasasanay na ako sa kayabangan niyang taglay.. mejo close nadin kame kasi madalas kasama namin siya nang mga kaibigan ko at napansin ko may naitatago din palang kabaitan ang lalakeng ito...

Kasama namin siya nang kaibigan ko nang minsang magkrismas shopping kami, siya ang alalay-slash-driver, ang bait no? pero humiwalay siya samen, ayaw daw niyang sumama sa pagshopping.. masakit daw sa paa...pft! mga lalake talaga...

after ng about 5 hours nang pagkakahiwalay namen sa kanya.. nagtext siya bigla..

Mr.B: Asan na kayo? di pa ba kayo tapos?
Pey : Patapos na, malapit na
Mr.B: Ok

..after 12 min. and somewhat sec.

Mr.B:tapos na? Gutom na ako..
Pey: Teka lang..
Mr.B:Tagal naman!
Pey: dapat kasi sumama ka na lang samin e.. tara..Ü
Mr.B: bilisan niyo.. text mo na lang ako kung tapos na..

..after 8 min. and somewhat sec.

Mr.B:Nakakabagot, napipikon na ako... sobrang tagal niyo..
Pey: Sori, haba nang pila e, teka lang patapos na, nagbabayad na lang.. last na to..Ü
Mr.B:Asan ba kayo? Puntahan ko na kayo..
Pey: Guess..Ü
Mr.B:wala akong balak makipagtaguan senyo at manghula kung nasan kayo, kung ayaw mong sabihin uuwi na ako..
Pey: Sira.. Dito sa Guess, sa store nang Guess! Tongaz!

Nang nahulaan niya na nasa Guess kami.. nakita na namin siya, at halatang galit.. pero nilibre padin niya kami nang dinner.. ang bait!.. matapos kumain, nawala na yung init nang ulo niya, at nagsimula nanaman siyang magyabang... pero ayos lang, sanay na ako...

May dalawang napansin lang ako sa kanya nung araw na yon... una pasensyoso siya, kahit na mejo sinusungitan niya ako sa text na parang babaeng may pms, nakapaghintay padin siya nang halos anim na oras..maliban pa doon napagtanto ko na mas gumagwapo pala siya pag galit..

Yun naman pala e.. mabait din naman pala siya.. ÜÜÜ

Anonymous Anonymous said...

Ako na naman ang topic ng blog mo? hahaha...

Iba na iyan ha. Iba na talaga iyan.

*kilig*

December 4, 2008 at 10:38 PM  
Blogger pey pilya said...

Gugol!

anuba! bumawi lang ako, kasi mabait din naman pala e kaya nabanggit ko ulet...

anong iba?.. ako nga den e, kinikilig ako.. bwahaha!:D

December 5, 2008 at 10:50 AM  
Anonymous Anonymous said...

excuses your muses!

alam mo, kaming mga mayayabang ang mga pinakamababait at pinakaguwapong mga nilalang sa balat ng lupa. kaya huwag ka nang magtaka.

December 5, 2008 at 8:56 PM  
Blogger canky.is.me said...

ay parang may malisya yung last line hahaha!

pwede rin bang bang i-friend yang si Mr. B?XD pakilala mo naman samin yan hahaha

December 5, 2008 at 11:30 PM  
Blogger pey pilya said...

Gugol..

hindi naman kataka taka talaga yun, marami din akong kilalang mayabang... pero wala atang tatalo sa kanya.. sige na nga.. mabait at gwapo na.. pero mayabang paden.. hahahaha!

December 6, 2008 at 9:45 AM  
Blogger pey pilya said...

Canky.is.me

malisya?.. haha!.. meron ba?.. no pun intended yun ha!.. pero napagisip isip ko, parang meron nga..hehehe!

December 6, 2008 at 9:47 AM  
Anonymous Anonymous said...

Gagwapo din kaya ako kapag galit ako? Hmmm...

Okay, so hindi. Kapag galit ako eh ultimo siguro asong ulol eh aamo kapag nakita akong galit.

January 30, 2009 at 12:50 AM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]


--------------------