About
30.9.08


oXoX

Walang taong perpekto.. at lahat tayo ay nagkakamali.. at sa tuwing magkakasala tayo e napapabanggit tayo ng "sorry" o kaya "pasensya na"... tapos may kasunod pa yan na punyetang "pramis di na mauulit".. kahit naman we really dont mean it.. para lang mapatawad tayo sasabihin natin yan... basta alam mo na nagsisisi ka na.. then cross fingers hoping na sana mapatwad ka.. tapos ok na ang lahat.. kiss sabay hug.,, kiss and make-up na rin.. ganun lang.. then forgive and forget... wala na dapat tanong tanong.. pero the damage has been done.. so wala na ring pag-asa.. magbati nga kayo.. di naman na tulad ng dati... demmet!!


--------------------

25.9.08


Bodega ng Nakaraan

Magsisimula na kami bukas na magdecorate ng bahay para sa Christmas.. kaya naman hindi na natigil ang pagkati ng ilong ko.. nilabas kasi namin ni nanay yung mga dekorasyon galing sa bodega.. puro alikabok kaya naman etong napaka-sensitive kong ilong e nagaamok..

Kasabay ng paghalungkat ng mga lumang dekorasyon sa bodega... may mga iba pang mga bagay ang nakatmbak dun ang nakapagpaalala sakin ng nakaraan... yun ay yung diary ko nung nasa highschool pa lang ako.. taglish ang gamit kong lenggwahe sa pagsulat.. halata na yung iba e trying hard.. pero maiintindihan naman.. nakakatuwang basahin ulit yung iba kong sinulat dun.. para akong bumalik sa highschool..

09-25-06
Dear Diary,

weeeh!!! there are lot of things to be done,,, pero dinedma ko na lang yung long quiz tommorrow for Filipino,,, grabe mga halos 6 na chapters yung babasahin ko dun and each of those chapters are mga 6 pages each,,, BACK TO BACK!!! I'm so tired na.. so i'll just wind up and write something here para naman mailabas ko tong pagod na nararamdaman ko!...

AHEM!!! issues... issues... issues...Yes!!! a lot is on my mind right now,,, And I think they would be staying there for a while.. Getting issues fixed is not that easy! I have to do certain things Idon't want to, but I have to... at yun ay ang pagaaral.. well..everything I do naman, I do it for my own good..

Confusion is on top of everything else...then stress is next...Piled school work and problems are giving me a headache!!! I never thought my life would be this tough and exhausting... as in physically, mentally and emotionally exhausting...

Yes... I expected this school year to be tough, but not THIS tough.. waaah! as in super i'm going ballistic.. good thing that i still hold on to my optimism... haay.. so help me God...

Lab lab..

Faye


Naiinggit ako sa katauhan ko dati.. wala na akong ibang pinoproblema noon kundi puro gawain sa school.. hindi ako nagkaroon ng masyadong problema sa pag-ibig noon di tulad ngayon... ang sarap balikan ang dating ako na kung saan e ang dami dami kong pwedeng pagkuhaan ng inspirasyon..

Ang sarap bumalik sa dating ako..


--------------------

19.9.08


Mapagsamantala

Maliban sa pagiging iyakin na isa sa mga gusto kong maalis sa sistema ng aking pamumuhay... nalaman kong marami pa pala akong gustong baguhin sa sarili ko...

Ang hirap din pala ang maging mapagbigay at maawain sa kapwa...hindi naman ito masama.. mabuti pa nga ito kung tutuusin, pero para sakin e hindi na ito maganda.. lalong lalo na kung malalaman mo na ang taong inaalalayan mo ng kabutihang ito ay mapagsamantala.. mga taong may ugaling masyadong demanding... yun bang ibinigay mo na nga ang kanan mong kamay.. gusto pa makamit ang kaliwa.. gusto lahat kahit ang iyong bituka...

Minsan ay may lumapit saking babae nang mapadpad ako sa isang mall.. wala na daw siyang pamasahe at malayo pa daw ang kanyang uuwian.. humihingi siya ng tulong sakin.. at nanghihingi ng pamasahe... nakakaawa ang kanyang itsura at binigyan ko naman siya ng kaunting halaga... naging maluwag sa aking pakiramdam ang ginawa kong iyon... at masaya ako kasi nakatulong ako sa aking kapwa..

Nagkrus ulit ang aming landas nung aleng yon nung nakaraang araw.. naghihintay ako ng masasakyan pauwi... nakita ko siyang lumapit sa babaeng katabi ko na naghihintay din ng masasakyan.. narinig kong nanghihingi siya ng pamasahe.. kung ano ang sinabi niya sa akin dati para makahingi ng pamasahe e yun din ang sinabi sa babaeng katabi ko.. nagkatinginan kami ng ale at bigla siyang humarurot ng lakad paalis at napatingin na lang sakin yung babae na kanikanina lang ay kausap niya na may halong pagtataka...tsaka ko na lang nalaman na ang aleng yun pala ay manggagantso.. pinagsamantalahan niya ang kabaitan ko...

Hindi naman masama ang maging maawain o mapagbigay.. hindi din masama ang humingi ng tulong sa iba kung ikaw ay nangangailangan.. wag lang sosobra.. dapat matuto tayong tumanaw din sa tulong na ibinigay sa atin ng iba.. at huwag manamantala...

Nakakapikon lang isipin na ang minsang tinulungan ay malalamang masama pala... mga taong walang kwenta.. mga taong manggagamit.. mga taong mapagsamantala...

Hayop... Hayuuup... Hayuuupppp!
-Nora Aunor, Ina Ka Ng Anak Mo
(1979)


--------------------

16.9.08


Project Lafftrip Laffapalooza

Dahil kay roxy... nalaman ko ang pakontest na ito...

Sino ba ang hindi makakatanggi sa 15K na papremyo diba?.. kaya naman gusto kong bumoto.. at nagbabakasakali na ako ang maswerteng mabunot sa raffle ng pakulong ito na Project Lafftrip Laffapalooza ni Badoodles ,, maliban pa doon... talaga namang gusto kong manalo ang mga nilalang na nasa aking listahan para sa top 10 humor blogs... dahil talagang deserving sila...

Eto ang listahan ng aking lima na pinaka-nakakatawang blog...

1.Kokey Monster ... si ferbert... nakakalokang nilalang na may talentong kilitiin ang iyong utak..

2.Chiksilog.... ang dyosa ng blogosperyo.. bisitahin para malaman... at para ikaw ay matauhan...

3.Mr.D...magmano at magbigay galang... matagal na ito sa blogosperyo... kaya naman batikan nang matatawag...

4.Mariano... kakaibang humirit... seryosong makulit...

5.Greenpinoy ...kung titingin ka sa isang litrato.. iisipin mong simpleng litrato lamang ito.. pero para sa kanya.. lahat ay may kaakibat na katatawanan...

..ayan!

...dahil laughter is the best medicine.. sila ang mga gamot sa lahat ng sakit... mga nilalang na talagang talentado at may kakayahang huliin ang inyong mga hagikgik...

..i hope na sila ay manalo...


--------------------

13.9.08


Peace Sign

Sa paghagilap ko ng mga litrato sa aking computer.. may napansin ako sa mga poses ko sa mga picture.. hindi ko alam kung bakit.. pero halos lahat ng pictures ko, eto ang pose ko.. may peace sign..







Ewan ko kung ano ang nagimpluwensya sakin sa pagpose ng ganito.. pero alam kong hindi lang ako ang nagpopose ng may peace sign..dahil kahit mga friends at kaibigan ko.. nagpopose ng ganito..

peace!..^^


--------------------

10.9.08


Bayabas Air Freshener

Isang napakagandang umaga, pinili kong sakyanang isang air conditioned bus para hindi ako mausukan; bilang isang nursing student, dapat kong mapanatiling mabango, malinis, at walang bahid ng kahit anong dungis ang aking puting uniporme.. kumportable akong umupo sa pinaka-dulo ng 2-seater na upuan, pinili kong pumuwesto sa tabi ng bintana, nagbayad kay mamang konduktor, at kampanteng nakinig sa kanta na pinapatugtog sa bus na nasakyan ko.. tila gumagawa ng mtv ang drama ko ng mga oras na yon... nang may sumira ng aking pagkakakampante sa aking kinauupuan..

May sumakay na mama, at tila isang malakas na buhawi ang pumasok sa loob nang bus na may dalang masamang hangin.. taena! bat amoy bayabas?!!

Tumabi sa akin yung mama, at nagkadikit kami ng balat... shet! ambahoooo!!, pinigilan ko ang hininga ko at tumingin nang bakanteng upuan sa harap, ngunit bigo akong makakita ng malilipatang upuan., puno na ang bus,at malayo pa ang bababaan ko, kaya no choice ako kundi wag lumanghap ng hangin na nag-aamoy bayabas...
Kahit na nilalamig ako, itinapat ko yung aircon sa kinauupuan ko sa pagbabakasakaling mabawasan ang nalalanghap kong pollution, pero nagmistulang air freshner ang amoy niya.. narinig ko ang isang estudyante na nakaupo sa aming harapan ang nagsambit nang "ambaho naman, ang aga aga.. may putok"... mahina ngunit dinig na dinig ko at ng aking katabi ang sinambit niya.. nagdiwang ang tenga ko dahil may kakampi ako na gusto din siyang paalisin.. napatingin ako sa mama at nakita kong napayuko na lang siya dahil alam niyang siya ang tinutukoy na mabaho ng estudyante..

Tatlumpung minuto akong nagpigil nang hininga muntik na akong mahimatay, nang umalis ako sa aking kinauupuan, napasambit ako ng "haay.. salamat" at hindi na lumingon sa aking nakatabi.. pakiramdam ko, dumikit ang amoy ng mama sa aking uniporme pati nadin sa aking ilong.. ang suot kong maputi, mabango, at walang bahin ng kahit anong kadungisan ay nag-amoy bayabas na dahil sa mamang nakatabi ko..

Pakiusap!
Gumamit naman kayo ng Deodorant.. kung cant afford mura lang naman ang tawas..
at kung alam niyong may amoy kayo.. wag na kayong sumakay sa air-conditioned bus...
o kung ayaw niyo.. wag niyo naman akong tyempuhang makasakay..
at please! wag niyo akong tabihan!.. lalong lalo na pag umaga...


--------------------

7.9.08


EMO-ness

Hindi na ako masyado makapag-update.. ang daming ginagawa.. ang daming kelangang tapusin.. busy talaga ako, sobra.. sa school at sa bahay.. napakawalang kwenta.. kelangan ko kasing aliwin ang sarili ko sa mga bagay na hindi ko naman dati ginagawa, sinasanay ko ang sarili ko sa mga gawaing dapat ay dati ko pang binigyang pansin...(ulol! excuses! haha!)

Ayoko ng surprises at drama.. hindi ko kasi alam kung paano ako magrereact towards sa situations na nangangailangan ng extreme emotions, basta lahat ng extremes.. ayoko.. galit, tuwa, saya, kaba, takot, at lungkot.. kahit na ano pang emosyon yan na nangangailangan ng matinding konsentrasyon, i will just end up crying, mapa-tears of joy man yan o tears of anguish..

Sa madaling sabi.. iyakin ako... at ayoko nang umiyak! please lang!!!

Isang linggo ko nang inaalagaan ang magaganda kong eyebags dahil hindi ko pinapansin si tulog, binubusog ko siya sa pamamagitan ng luha ko.. napupuyat, pero hindi naman pumapayat dahil lagi naman akong kumakain.. isang paraan para maibsan ang kalungkutang nararamdaman ko.. taena! broken nanaman ako...

At tanging etong pagbloblog ko sa ngayon ang sa tingin kong makakatulong sakin para mailabas ko ang emosyong kong eto na napaka-alien para sa akin.. ngayon lang ako nakaramadam ng ganitong klaseng kalungkutan.. minsan hinhiling ko na sana.. wala na lang akong emosyon.. para hindi na ako mahirapan..

Ayoko ng ganitong pakiramdam!


--------------------