About
29.8.08


Nakakairitang Karanasan

Galing ako sa isang mall kahapon, at may nakasalubong ako na dati kong kakilala.. hindi ko siya namukhaan nung una.. dahil ang pagkakaalam ko, e ang itim itim niya dati.. aba! ngayon.. ang puti na niya.. kapantay ko na siya ng kulay ng balat.. at halata naman talagang nag-improve ang kanyang itsura dahil sa pagkakaputi niya...

Akala ko kung sinong timang ang ngumingiti sakin nang nakasalubong ko siya.. yun pala.. siya yung dating ka-schoolmate ko na sobrang yabang at naging kaaway ko dahil sa kanyang ugaling yun.. bata pa naman kasi kami noon kaya hindi maiiwasan ang magkainggitan.. pagandahan ng tali ng buhok.. pagalinggang mag-sayaw, pataasan ng grades.. at kung ano-ano pang competition na pwede mong sabihin para lang mapagsabong mo kaming dalawa.. kahit pa sa your-crush-is-also-my-crush competition.. napagdaanan na namin... may mga pagkakataong siya ang panalo.. pero sa maniwala kayo at sa hinde.. madalas laging ako ang panalo... at sa muling pagkakataong makakapagsabong kami.. turn ko naman para ako ang matalo...

Dati nung nasa pre-school pa kami.. lagi kaming pinagkukumpara sa isa't-isa...maitim siya, ako maputi.. payatot siya, ako naman mataba, matalino siya..pero matalino nga namang masasabi, hindi naman sa pagmamayabang e mas matalino ako sa kanya.. lagi kaming pinaghaharap noon, dahil nga sa pareho kaming talented.. sayaw, acting, o singing.. game kami jan.. pero dapat lagi ako ang bida...hanggang sa paglaki namin..

Naalala ko pa noon, umiyak ako sa nanay ko nang minsang nalaman kong nakapunta siya ng Disneyland..buong pagmamayabang niyang sinabi niya sakin na nakita niya in person sila Mickey mouse.. nung mga sandaling yun.. pakiramdam ko.. ako na lang ang batang hindi pa nakakapunta sa lugar na yon

Ako: nay! gusto kong pumunta bukas sa Disneyland! huhuhuhuhuhu! *singhot sa tumutulong sipon, paubo-ubo pa*

Nanay: inggitera ka talagang bata ka.. aysusme! tumigil ka nga!

Ako: eeeee! nanay! dali na! *hinihila ang damit ng nanay* alis na tayo.. sakay na tayo sa sasakyan!


Musmos pa lang naman ako nun.. ano ba ang alam ko sa layo ng Disneyland dito sa Pilipinas.. akala ko pwedeng lakbayin yun gamit lang ng sasakyan namin...

Nawalan ako ng kakumpitensya sa lahat ng bagay.. nung lumipat siya ng school noong elementary kami..

*itago natin siya sa pangalang frenemy..

Nang nakilala ko na si frenemy mula sa pagaakalang isa siyang timang na ngumingiti sakin.. napagtanto kong siya ang dati kong kaaway.. inaya niya akong mag-kape.. her treat daw.. laking gulat ko.. ang magiting kong katunggali nung bata pa ako.. e por da pers taym.. lilibre niya ako.. akala ko magkwekwentuhan at magchichikahan kami yun pala hindi..

Nagimprove nga ang kanyang itsura.. gumagamit daw ang loka ng metathione, ang dati niyang pangong ilong.. pinaayos sa isang far away country.. ang daddy daw niya nagtratrabaho na sa ibang bansa, at kung ano-ano pang hangin ang naramdaman ko sa kanya... deep inside.. natatawa na lang ako.. nag-improve na nga ang panlabas niyang anyo..pati ang kanyang ugali.. lalong nag-improve.. lalong yumabang..

Hindi kami nag-usap.. nakinig lang ako sa kanya.. dahil para sakin.. ang pag-uusap e ang pagpapalitan ng salita.. di katulad ng nangyari samin.. siya lang ang dumakdak.. ginawa niya akong walking diary.. pakingshets..

Nag-aaral daw siya sa Cheverloo School of Eklavoo taking Bachelor of Chorva in Chuvaness.. may tatlong boypren daw siya galing sa iba't-ibang far away country.. at marami pa siyang kwento na hindi ko naintindihan..

Kaya pala niya ako nilibre.. binili lang pala niya ang oras ko para pakinggan ang kayabangan niya.. papatulan ko sana.. sanay naman akong magbuhat ng sarili kong bangko.. pero di ko siya kinaya.. kung ako ang bubuhatin ko e bangko.. sa kanya naman.. ang binubuhat niya ay sofa.. di ba siya nangangawit?.. nakakaloka...

Nang di ko na natagalan.. nagkunyari na lang akong may pupuntahan pa.. nagpasalamat sa libre niyang kape.. na galing sa isang kapehan na sinasabi nilang sosyal pero para sakin e pangsosyal sosyalan lang naman... tinanggap ko na natalo ako sa muli naming pagsasabong nun.. hindi ko kinaya.. yung bangko ko na sana e binuhat ko ng buong pagmamalaki.. inihagis ko na lang.. pinagbigyan ko siyang buhatin ang kanyang sofa.. para naman makabawi sa lahat ng pagkakatalo niya sa akin nung kabataan namin... pero pakingshets! mukha siyang sofa! nakakairita!


--------------------

27.8.08


Pre-paid..

Kauuwi ko lang ng bahay nang marinig ko ang balitang ito galing sa nanay ko... gagawin na daw pre-paid ang kuryente..

*tambling*

napatambling ako nang marinig ko 'to sa nanay ko, akala ko nag-jojoke lang siya, pero narinig ko ito kani-kanina lang sa balita.. iba na talaga ang nagagawa ng mga gipit na tao.. kung ano-ano ang naiimbento.. kakaiba,, pero ang tanong.. papatok kaya?..

dati ang alam ko lang na pre-paid e cellphone load.. tapos pre-paid na internet.. o tinatawag nating internet card para sa mga dial-up.. napanood ko din dati sa Bubble Gang ang tungkol sa joke nilang pre-paid cable na nagmaterialize naman.. pero ngayon?.. pre-paid na kuryente?.. akala ko bubble gang din ang pinapanood ko nang mapanood ko yung balitang iyon.. pero dinig ko ang boses ni Julius Babao na nagbabanggit ng naturang joke.. este balita...


at ang mas malupit sa balitang ito?..


Pinag-aaralan daw sa ngayon ang pagpasa ng kuryente mula sa isang metro papunta sa isa pang metro.. which means.. parang pasaload o share-a-load..

edi.. sa mga tindahan may ganito na..

"pabili nga po ng kuryente!"
"papasa nga po ng kuryente!"

Nakakatuwa.. dahil may ganitong imbensyon.. kaso parang joke talaga.. baka sa susunod magkaroon na din ng pre-paid na tubig, pre-paid na pagkain, at pre-paid na gas.. lahat ng mga bagay na mahal.. pre-paid na..

Ayon sa balita.. malaki ang matitipid natin sa pagkakaroon ng pre-paid na kuryente.. hindi na natin kelangang magbayad ng system loss charge na minsan nang naging dahilan ng pagbabatikos kay Judy Ann Santos...

Para sakin.. ayos 'to.. mababawasan ang mga bayarin natin.. makakatulong ito sa ating mga Pinoy.. bakit nga naman hindi?.. basta ba makakatulong sa pagunlad ng ating bansa.. kahit na katuwa-tuwa.. papatuLAN natin..

Ikaw?.. ano sa tingin mo?


--------------------

26.8.08


Kamalasan

Sa mga oras na ito dapat nagsisimula na akong magaral para sa pagsusulit namin bukas... pero hindi ako makapagsimula.. wala akong inspirasyon, walang bagay na nakapagbibigay sakin sa ngayon ng magandang dahilan para sipagin akong magaral...

mabigat loob ko..

may problema kasi ako..

pakiramdam ko, nang nagbuhos ang taas ng kamalasan ako lang ata ang walang dalang payong.. at ako ang nakasalo ng lahat.. wala naman akong balat sa pwet.. at hindi ako nagkulang na gumawa ng mabuti sa iba para bigyan ako ng ganitong pagsubok ng tadhana.. tao lang naman ako.. nagkakamali, aminado naman ako sa kasalanan ko, pero hindi ba pwedeng mapagbigyan ako ng pagkakataong magbago?

Gusto ko nang matapos ang araw na ito..ngunit sa tuwing sisilip ako sa orasan, tila lalong bumabagal ang pagpalo ng kamay nito, pangasar na sinasabing mas babagal pa ang oras at lalo pang tatagal ang paghihirap ko.. pinigilan ko ang aking paghinga sa pagaakalang baka mapabilis ko ang oras.. gusto ko nang matapos ang parusa na aking dinadanas.. kinakalaban ang tiktak ng orasan...hinahanap ang maaaring maging lunas..

Ang pagbagal ng oras ang nagiging sanhi ng pagkainip ko.. kelan ba matatapos ito?.. hindi ko na alam ang gagawin ko.. hirap na ako..


--------------------

23.8.08


Bagong Micropono

may bago siyang trip...may bagong micropono si pey... ngunit sabihin man nating mas maganda ang bago... may pagpapahalaga pa rin tayo sa luma.. ang lumang micropono ay hindi pa naman sira... ngunit marami na itong gasgas kahit na ano pang ingat ang ginawa ng batang si pey dito... gasgas mula sa ibang tao na hinayaan niya humawak... pinagkatiwalaan niya sila ngunit hindi nila binigyan ng pagiingat,, haha! ang emo!!!

hindi naman siya magaling magtalumpati.. gusto lang niya mailabas ang salita mula sa kanyang labi... hindi man maintindihan ng iba.. gusto lamang niya ng may makikinig.. nasa sakanila kung malawak ba ang kanilang phangunawa... kung hindi.. ayos lang.. takpan niyo na lang ang inyong mga tenga...

mapakinggan man siya o hindi.. maunawaan man.. o maintindihan.. bigyan man siya ng sandamakmak na batikos.. ayos lang... basta maisigaw lang niya ang kanyang saloobin.. wala siyang pake sa mga gusto siyang awayin...

sana lang ay hindi na magasgasan ang bago niyang micropono... sana magtagal ito.. sana ay mapalawak ng mga nakikinig ang kanilang mga pangintindi.. maunawaan nila sana ang bawat talumpati..ni pey na isang batang bibo na may hawak ng natatanging bagong micropono.. bow!


--------------------