About
28.11.08


Float and Fries

Hawak ko ang iniinom kong Mcfloat sa isang kamay at sa kabila naman e ang plastik nang tinake-out kong dalawang large fries habang naghihintay nang masasakyang pauwi sa may Commonwealth..

Noon na lang ulit ako napadpad sa lugar na yon, bumisita lang naman ako nang isang kaibigan na malapit ang bahay sa may Ever kaya napunta ako doon.. ilang minuto pa ang nakalipas nang paghihintay nang masasakyan, may isang gusgusing bata ang lumapit sa akin, akala ko manlilimos o kaya hihingi nang dala kong pagkain, nang biglang hinablot yung hawak kong plastik.. pooft!.. wala na yung fries ko :(

Gutom ako nang panahong yon, bakit?.. di kasi ako pinakain sa bahay nung pinuntahan ko, pagkalaki laking bahay puro juice lang ang meron.. hindi naman ganon kakapal ang mukha ko para magrequest nang pagkain... kaya nagtake-out ako nang makakain sa Mcdo nang pauwi na ako, malay ko bang may mga batang nagkalat na nangaagaw nang pagkain doon..

Tinangka kong habulin yung bata, makakutos lang ako sana, ok na, tapos papagalitan ko.. gutom kaya ako!.. pero nakaramdam ako nang awa, kaya pinabayaan ko na lang siyang tumakbo palayo tangan ang fries ko :(

Binusog ko na lang sarili ko sa Mcfloat, binalak kong bumili sana kaso ayoko nang gumastos ulit, tsaka dalawang large fries yun, sana na lang pala isang large fries na lang yung binili ko kung ganun lang din naman ang mangyayari (yan! katakawan kasi! hahahaha!)

Mamimigay naman ako kung manghihingi siya, mukha ba akong madamot?.. hindi naman ha!

Alam ko ang pakiramdam nang gutom, isang meal lang ang ma-miss ko sa isang araw gugutumin na ako, pero maswerte padin ako kung tutuusin, pwede akong kumain kahit anong oras ko gusto, paano pa kay yung batang umagaw nang fries ko?.. iba na talaga ang naidudulot nang kahirapan, yung iba sumisinghot nang rugby para hindi nila maramdaman ang kalam ng tyan..

Umuwi ako na mejo busog dahil sa float, iniisip ko na lang na tinulungan ako nung batang yon na magdiet, pampalubag loob sa sarili ko.. sana nabusog siya sa fries... mas ok na yun, kesa maging rugby boy siya.. kawawa naman...


--------------------

26.11.08


To be an island

Minsan kelangan nating matutong maging magisa... kaya kung ako sayo, yung ibang mga problema mo.. hanggang kaya mong isarili muna.. e isarili mo.. ikaw muna ang gumawa nang paraan para masolusyunan yan, pag hindi mo na talaga kaya.. tsaka ka na lumapit sa iba...

-text sakin ng mahadera kong kaibigan....

may pagkakataong sumasangayon ako sa sinabi niya.. totoo naman e.. kelangan masanay tayo minsang maging magisa.. may mga panahon kasing sarili lang natin talaga ang makakatulong sa mga problema natin.. mahirap oo... pero makakatulong naman satin yun para lalo tayong maging matatag...

para in case na magkaproblema ka.. at wala kang mahingian nang tulong.. e nasanay mo na ang sarili mo na kaharapin ang mga pasakit nang mundo.. ang hirap kasing maging dependent tayo sa iba.. paano kung wala sila?.. mas mahihirapan nga naman ako panigurado.. dahil nasanay na akong nanjan sila para tumulong.. hindi naman kasi sa lahat nang pagkakataon.. ok lang silang gambalain.. dahil kahit naman ang iba, may sari-sarili ding problema..


--------------------

21.11.08


Joy

ako ang nautusan..

nanaman..

syempre pag ikaw ang pinakabata, at kung may kakayahan kang gawin ang utos.. sayo ipapagawa..

ok lang..

di naman ako mareklamo, kahit na hindi ko bagay gawin ang inutos.. kembot lang,

hindi naman ako ang pinakabata sa bahay nung araw na yon, nagkataon lang na ang sumunod sa akin e isang batang lalake na may walong taong gulang, kaya ako ang inutusan; busy sa kakalaro ang cute na cute kong pamangkin na si Kyle, kaya inutusan ko muna na bumili nang kakailanganin ko...

Pey: Kyle, ibili mo nga si tita ng joy..
Kyle:Tita?.. pero diba, we cannot buy joy?
Pey: ...???...

Kung lahat ng bagay ay may katumbas na halaga.. bibili ako nang kasiyahan; kasiyahan sa lahat ng aspeto, sa pamilya, kaibigan at pagibig.. kasiyahan na panglinis nang problema.. kaso nga lang, sabi nga nang bibong bibo kong pamangkin... we cannot buy joy.. naloko na, tama nga naman ang pamangkin ko... sana lang talaga.. nabibili ang kasiyahan.. pero iba ang pagkakaintindi ni Kyle sa utos ko,, kaya naman pinaliwanag ko sa kanya kung ano yung pinapabili ko, nang maintindihan niya, hindi ko na siya mautusan.. tinawag na kasi siya nang pinsan ko para gumawa ng assignments niya.. kaya ako na lang ang bumili ng joy.. at naghugas ng pinggan na pinagkainan...


--------------------

17.11.08


Pa-utot

hindi ka din mayabang tulad ko no? diba? diba?

so lahat ng babae, pakiramdam mo naman nagkakandarapa sayo.. na kapag everytime na makikipagkilala ka sa kanila e biglang nagiging single ang pangalan nila na parang sa commercial ng smart.. gwapo ka?.. haaaay.. oo na, sige na nga.. noong una kitang nakita nalaglag ang panga ko nang dahil sa taglay mong kagwapuhan.. pinulot ko yung panga ko nang makausap na kita.. ang yabang mo kasi..kaya itinikom ko na lang ang bibig ko.. panga lang ang malalaglag ko nang dahil sayo.. di tulad ng description nila sa kagwpuhan mo.. makalaglag panty.. cheap!.. mayabang ka! mayabang ka! mayabang ka!!!

...

Itago natin siya sa pangalang Mr.Braggy B. Braggington.. mayaman, matangkad, at gwapo.. ewan ko lang kung matalino siya.. pero siguro nga may angking katalinuhan, kasi nga galing siya sa isang university nang mga taong matatalino at mayayaman..

Hindi ko naman pwedeng sabihang feeling gwapo si Mr.Braggington.. e kasi aminado akong gwapo siya, maipagmamayabang nga naman niya na mayaman siya, kasi nga mayaman naman talaga.. ipinagmayabang nga nya kotse nya e.. sana kotse na lang siya noh? ahmm.. matalino?.. pwede din, dahil sa reputasyon nang paaralang pinapasukan niya.. pero nang dahil sa asta niyang.. err.. mahangin.. nagiging bobo siya sa paningin ko.. pasikat?.. OO!!!

Pag sobra talga.. hindi na maganda..

at napikon ako sa kasobrahan ng hangin niya kasama ng kanyang nakakairitang bragging monolouge.. hindi niya ata alam ang tungkol sa pagiging humble... sayang di pa naman ako marunong mamahiya.. di ko akalaing may taong katulad niya..

Kinabagan lang naman ako nang dahil sa hanging dala ni Mr.Braggington..

At iuutot ko lang dito..

mabaho ba?...

Sisihin niyo siya...


--------------------

16.11.08


Gusto kong magfeeling

ngayon ay dakila akong pilingera..

Alam kong may nagmamahal at concern sa akin.. at feeling ko madami sila.. at oo feeling ko isa ka sa kanila... ako naman, lalagyan ko ng malisya.. iisipin ko na may gusto ka.. tumingin ka lang sa akin, pakiramdam ko may tinatago kang pagnanasa.. ganon kadumi ang utak ko.. assumera din kasi ako.. kaya pakiramdam ko.. lahat ng wala e meron, at ang meron e meron talaga..

ayokong isiksik ang sarili ko sa lugar na alam kong hindi ako kasya.. dahil wala akong espasyo para doon.. ayokong sabihing maganda ako kasi ang redundant na masyado, ayokong sabihing matalino ako, baka isipin mong mayabang ako.. pero dahil gusto kong magfeeling.. sasabihin ko lahat yan.. gusto kong isiksik ang sarili ko sa isang lugar dahil alam kong kasya ako.. maganda ako at iniisip kong nagagandahan ka sakin.. matalino ako at napapamangha kita..

Wala namang masama sa pagbuhat ng sariling bangko... ang sarap sa pakiramdam na ipagmayabang mo ang sarili mo.. kahit na minsan nabibigatan na ako sa pagbubuhat at nangangawit.. pero keri padin.. keber ba nila.. sarili ko to.. feeling ko naman totoo ang sinasabi ko.. at feeling ko naniniwala ka..

pilingero ka din? apir tayo!


--------------------

11.11.08


Dalawang Pussy

Girl: Labs, diba ako lang ang mahal mo?

Boy: Oo naman labs..tinatanong pa ba yan?

Girl: Hindi mo ako ipagpapalit ha...

Boy: Oo naman..

Girl: Promise?

Boy: Oo.. di kita papalitan.. dadagdagan lang kita..

Girl: Ulol ka! %^$&!@#!

Boy: Ang sweet mo naman.. ulol pa ako.. eto naman.. joke lang

Girl: Wateber!

Boy: Joke lang yon.. pakiss nga


Alam mo yung pakiramdam na alam mo namang wala silang pakialam na nanjan ka.. pero napaparanoid ka na iniinggit ka ng ibang taong nasa paligid mo?..hindi na nahiya, sa tapat pa ng bahay namen naglampungan.. nakakakilig? err.. na at the same time nakakainggit? yak! e kung buhusan ko kaya sila ng mainit na tubig?.. para cool.. parang pusa lang na kapag nairita ka kakaingay nila e papalayasin mo sila gamit nang kumukulong tubig.. meooow meooow... hindi man lang namili nang lugar.. gawin ba namang lampungan center ang tapat ng bahay namen.. raaawrrrrr!!!


--------------------

7.11.08


Apples and Strawberries

All of you go back to your proper seat and zip your mouth..

Maingay ang mga kakalase ko.. habang ako naman nakatingin sa mga artworks ng mga prep students nang sinabi to nung adviser namen, nakaupo na yung mga kaklase ko at nanahimik bigla, habang ako e nakatayo at manghang mangha sa ibang mga drawings na nakapaskil sa dingding, finifigure out ko pa kasi kung ano ba talga yung ibang nakadrawing, fruits kasi ang topic.. hindi ko kasi lubos maisip na yung isa sa mga nakapaskil.. apple ang label pero color brown tapos may isa pang drawing na strawberry kaso color green... galit ako... favorite ko kasing kulay noon e red...

Imbyerna ang adviser ko sakin.. alam kong ako ang pinaparinggan niya nung mga oras na yun, ako lang naman ang nakatayo at wala sa upuan.. bansag ko sa kanya dati e "teacher-proper-seat".. sumusunod ang mga kaklase ko.. pero ako hindi.. hindi naman ako bingi, ayoko lang talaga siyang pansinin.. kaya patuloy lang ako sa pagkilatis ng mga artworks at sa pagtataka sa pagiba ng kulay ng apples at strawberries..

Isang hamak na kinder student lang ako nun, kung ano ang kinabibo ko noon e ganun din ako kasing pasaway.. may ADHD ata ako nun dahil di ako makatagal na nasa isang pwesto lang, kung ano ano ang napapansin ko sa paligid ko at dapat lalapitan ko yun at pagaaralan ko sabay ng sangkatutak na tanong para sa kung anumang bagay ang napagkadiskitahan ko.. sa sobrang matanong ko nung bata, napagkamalan akong madaldal..

Teacher-proper-seat: Again please go back to your proper seat, especially the girl standing at the back

*nilingon ni pey si teacher-proper-seat at napansin niyang sa kanya lahat nakatingin ang mga klasmeyts niya*

Pey: teacher why is it that those apples are brown and those strawberries are green?
Teacher-proper-seat: ...
Pey: i think it is supposed to be red
TPS: just go back to your proper seat
Pey: teacher sa tingin ko po may mali po sa drawings
TPS: go to your proper seat
Pey: pero teacher... IT IS SUPPOSED TO BE RED!
TPS: GO BACK TO YOUR PROPER SEAT NOW!

walang araw akong hindi siya narinig sabihin ang "go back to your proper seat"

Pangatlong beses na niya sinabi ang magic words.. at bigla siyang lumaki, napunit ang damit niya at naging green ang kulay niya.. dinig ko ang pagkabog ng dibdib ng mga uhugin kong kakalase dahil sa takot.. kaya sumunod na ako.. umupo ako ng maayos.. pero hindi pa din matahimik ang loob ko noon kung bakit hindi pula ang apples at strawberries sa drawing..

Aminado akong maldita ako nung bata ako.. hanggang ngayon ata.. pero mas grabe noon.. isa lang yun sa eksena ng buhay ko na kung saan lumabas ang pagkamaldita ko.. hindi lang yun ang araw na nagmaldita ako kay teacher-proper-seat.. maraming beses pa.. napagkwentuhan kasi namin ni mama kanina yung adviser ko na yon.. nakwento niya na pinapunta daw siya dati ni teacher-proper-seat ko sa school nang dahil sa kakulitan kong taglay.. nagreport si teacher-proper-seat kay mama na ikinulong niya ako sa isang bodega ng school bilang parusa sa pagiging pasaway ko.. natakot si teacher-proper-seat, kasi nung pinalabas niya ako sa kwartong pinagkulungan niya sakin.. ni hindi man lang daw ako umiyak, bagkus tinarayan ko pa siya.. iniisip niya na baka isumbong ko daw siya kay mama tapos tska ako magii-iyak, kaya inunahan na niya akong magkwento sa nanay ko sabay banggit ng paumanhin sa hindi pagtimpi ng galit niya.. aba! pwede kaya siyang kasuhan sa ginawa niyang pagkulong sakin..

Maganda si teacher-proper-seat ko na yun.. magaling magturo.. mainitin nga lang ang ulo, lagi ako ang napagbubuhusan niya noon nang galit niya at nagmimistulang incredible hulk siya.. hindi naman niya ako pinisikal.. yun nga lang.. kinulong nga niya ako sa bodega ng school namen.. pero napatawad ko na siya sa ginawa niyang yon.. binigyan niya ako ng award na "best in art" e.. at dahil doon napamartsa pa ako noong recognition day namen..

Napagtanto ko.. baka siguro kaya brown yung apples kasi bulok na.. at yung strawberries e hilaw pa kaya green.. o siguro talagang trip lang nung mga prep students para maiba naman, o pwede ding naubusan sila ng crayon na red.. kawawa naman sila.. "S"(Satisfactory) lang kasi nakalagay na grade sa drawing nila.. naalala ko tuloy yung style ng pagrade nila sa mga activities na ginagawa namin.. O, VS, S, NI.. Outstanding, Very Satisfactory, Satisfactory, at Needs Improvement

Nakalimutan ko na yung kwento ng pagkulong sakin ni teacher-proper-seat.. tsaka ko na lang naalala nung nakwento ni mama.. ni hindi man lang daw ako nagsumbong sabi ng nanay ko.. natawa na lang ako.. kasi netong huling araw.. nang nagkaroon ng event sa dati kong school, pumunta ako at nakita ko ang dati kong adviser.. maganda padin siya, alam kong nasa kwarenta anyos na siya ngayon.. pero mistulang trenta anyos lang siya sa kanyang itsura kaso napagalaman ko nga lang na wala siyang asawa o kaya kahit boypren man lang... kinarma siguro sa sobrang kalupitan niya..


--------------------

3.11.08


Disorganized

Parang kelan lang.. ang bagal bagal ng panahon para sakin nung mga nakaraang araw ng bakasyon.. ngayon malapit na ang pasukan nabibilisan na ako dito.. ang dami ko palang nasayang na oras .. wala na akong ibang ginawa kundi kumain, humilata, manood, at magcomputer... hindi man lang ako nakaisip ng kahit anong gawain na productive.. em so useless...

wala lang feel ko lang sabihin...

Productive in which ang ibig kong sabihin e sana may pera ako.. wala akong pera.. teh shit.. oha! gumaganon na ako.. baliw nga kase ako ngayon.. halata ba?... ahmm.. ok lang na di mo ako naiintindihan... ibig lang nun sabihin normal ka.. kaya sa mga nakakaintindi sa akin at sa mga pinagsasabi ko dito.. mabuhay tayong mga abnormal!!! yey!

Dulot ata to ng seasonal affective disorder... teka, balik tayo sa productive-chorva-idea ko.. sana naisip ko nung first week pa lang nung sembreak na maghanap ako ng raket.. pero dahil nga inatupag ko ang makipaglandian, magpakasarap sa buhay at magparty party.. ayun, wala akong napala.. ay meron pala... negative nga lang.. ayun nga.. wala akong pera..

Nabanggit ko ang seasonal affective disorder kanina,ahmm.. gusto ko sanang banggitin kung ano to.. kaso di ko natuloy yung sasabihin ko.. kasi nga hindi ko pa tapos sabihin yung about sa productive-chorva-idea ko...taena.. ganito ka-disorganize ang utak ko nayon.. alam mo yung feeling na maraming ideas ang pumapasok sa utak mo, then biglang may papasok na panibagong idea pero yung naunang idea mo e hindi pa tapos iproseso ng utak mo? katulad neto.. babanggitin ko sana ulit yung sa seasonal affective disorder na yan at kung ano ito, pero pumasok yung idea ko tungkol sa disorganize kong utak.. ang gulo diba?.. baliw nga kase.. pft!

Ok.. eto na, seasonal affective disorder.. also known as SAD... sad as in malungkot.. eto ay disorder na kung saan e makakaramdam ka ng kalungkutan kahit wala naman dahilan.. eto ang nararamdaman ng mga semi-emo.. kaya semi-emo kasi may pagkakataon na emo sila na may tendency na mapagtripan nila na maglaslas sila ng pulso o kaya tumalon sa mataas na building at may mga times na normal ang emosyon nila.. at ang mga pagkakataon na makakaramdam ng ganitong kalungkutan ay tuwing malamig ang panahon at maulan tulad ngayon.. kung di mo ako maintindihan click mo ito : SAD

Nasabi kong epekto ng SAD ang pagiging non-productive ko netong bakasyon.. kasi pakiramdam ko.. ang hina hina ko, tinatamad ako sa lahat ng bagay.. kain ako ng kain.. oo nga at di ako tulog nang tulog pero lagi naman akong tulala.. ganun padin..

Sana i-extend ang bakasyon.. wish ko lang talga.. para sa pasukan hindi ganito kadisorganize ang utak ko.. o siya.. kelangan ko nang tapusin to at baka kung ano pa ang maisip ko ulit at lalo pang mapahaba ito..

uulitin ko yung isang tanong ko galing sa post ko bago ito.. kelan ba ako babalik sa katinuan?


--------------------

2.11.08


Anong Sagot?

Magulo lang isip ko ngayon.. kaya puro tanong na lang ang pumapasok sa utak ko.. gusto ko namang isipin syempre ang mga sagot.. kaso iisipin ko palang ang sagot.. e tanong ulit ang sumusulpot sa kokote ko.. "paano ko sasagutin itong mga tanong na ito?"..gets?..hinde?.. ako din e.. malaki ka na.. intindihin mo na lang..

Answers are question in disguise.. dahil every answer gives rise to new questions.. kaya para sakin mas importante ang tanong kesa sa mga sagot.. saan ko to nakuha?.. ewan, gawa gawa ko lang.. pero bat ganun? wala pa nga akong sagot, tanong kagad ang nasa isip ko?.. baliw ba ako?

-Bakit ang sungit ko this past few days? pms ba ito?

-Bakit kain pa din ako ng kain kahit gusto kong magdiet? tumatakaw na ba talga ako?

-Kelan kaya ako magkakasyota? ikaw pwede ka ba? hnde? sige na nga tanggap ko nang panget ako..

-Kelan kaya matutupad ang mga hiling ko?

-Bakit pag may inalok sa akin at di ako sigurado kung maganda ba ito e sa una aaywan ko, then biglang magbabago isip ko na gusto ko na ito.. tapos aayawan ko ulit, then gugustuhin nanaman.. aayawan, gugustuhin, aayawan, gugustuhin, aayawan, gugustuhin, aayawan.. and so on and so forth? bat ang gulo ng utak ko?

-Bakit ako pinanganak ng January 23, 1991?.. wala lang natanong ko lang.. para lang naman malaman mo.. Regalo ko ha?.. Pero bakit nga ba sa petsang to?.. parang nagbibilang lang kasi e.. 01-23.. diba? diba?

-Bakit pag nagkakamali ako ayoko itong nalalaman ng iba? ayoko din ng napaguusapan ito? pero pag pagkakamali ng ibang tao... ang sarap pagchismisan at ang sarap ipagkalat?

-Bakit ako tinatamad?

-Kelan kaya ako tatamadin sa pagiging tamad ko?

-Paano ka napunta dito sa blog ko?

-Isa ka din ba sa kanila? mga taong naghahanap ng "ligaya"?

-Ano bang meron sa pangalan ng blog na to na micropono at sa pagiging pilya ko? e wholsome naman mga sinasabi ko? ano ba? alam mo ba? ako hindi e...

-Bakit may mga taong ubod ng yabang? at bakit ako galit sa kanila? e mayabang din naman ako..

-Bakit lagi akong tulala? baliw na ba ako?

-Kelan kaya ako yayaman? Ayokong maging mahirap poreber..

-Kelan ko kaya mararating ang nirvana sa plurk? ano bang magandang maidudulot sakin ng karmang hatid neto? mapapayaman ba ako nito?

-Bakit hirap akong matulog netong mga nakaraang araw? Insomia na ba ito?

-Bakit ako nagiging sipunin? Mahina na ba talga ang resistensya ko?

-Bakit wala akong hilig sa lalake? Tomboy ba ako?

-Bakit ko gustong magkasyota? Pero wala akong hilig naman sa mga lalake? ang gulo ko no?

-Bakit nagiging madaldal na ako?

-Bakit kung sino sino kinakausap ko? kahit di ko kakilala.. gago ba ako?

-Bakit ba ang dami kong tanong? bat di ko masagot? bobo ba ako?

-Kelan ba ako babalik sa katinuan?

-Masasagot mo ba mga tanong ko?

-Bakit mo to binasa? you care ba? ayeeee.. aylabyu na..


--------------------